====================
"Race to Dawn"
Point of View : Author
====================
Nagkaroon ng kaguluhan sa loob at labas ng mansion dahil sa biglaang pagtatakas ni Mayah kay Dash mula kay Tia. Nagsimula na ring nagsidatingan ang mga tauhang naka suot ng suit and tie at dahil sa simbolo ng Phantom Opera sa mga damit nila ay nalaman kaagad ni Mayah na kalaban ang mga humarang sa kaniya.
"FUCK. SHIT. " desperadong sumpa niya at napatigil sa pagtatakbo.
Dahil dito ay nakahabol na si Tia at napalibutan na siya ng madaming kalaban. Nakapinta sa mukha ni Mayah ang pagsisisi na tinulungan si Dash para tumakas habang handang handa naman na si Tia para bawiin si Dash mula sa kaniya.
"Oi. Gusto mo bang mamatay sa loob ng sampung segundo o gusto mo na ngayon. I'm good either way." pagbabanta ni Tia.
Di nakapagsalita si Mayah dahil alam niyang malaki yung agwat ng level nila at kung maglalaban sila ay mabubugbog lang siya. Everything went down hill at sabay sabay nilang sinugod si Mayah.
"ATE MAYAH!!!" sigaw ni Lemon na may kasabay na malakas na pagbubusina sa likod.
Lumabas ang maliwanag na ilaw mula sa likod ng kalaban at di nagtagal ay papalapit na ng papalapit yung lakas ng busina ng van. Nagsigawan ang mga tauhan ni Tia dahil bigla na lamang sila pinagbababangga ng di controladong sasakyan.
"Anong nangyayari?" tanong ni Mayah mula sa isa sa mga tauhan.
"May baliw pong nagdri-drive ng van papunta dito." pagrereport nung tauhan.
"HUH? ANO?" di maipaliwanag na reaction ni Tia at kaagad na umiwas nung mapansin niyang paparating na ang nagraragasang van sa harap niya.
Dahil sa kaguluhang nangyayari ay nagawang inihagis ni Mayah ang walang malay na katawan ni Dash sa loob ng van tiyaka sumunod tumalon papaloob. Nadatnan ni Mayah si Lemon na nakatayong nag dridrive para lang maabot yung pedal ng van kaya kaagad niyang inagaw ang manibela.
"HOLD ON TIGHT!" sigaw ni Mayah na tinadyakan ng malakas ang gas pedal.
Umarangkada ang van at tinangka niyang sagasaan si Tia na nakatayo sa labasan ng gate.
"FUCK OFF!" pagmumura ni Mayah pero bago pa niya matamaan si Tia ay mabilis siyang nakatalon papalayo at nakaiwas.
Walang nagawa sila Tia at mga tauhan niya kundi panooring lumabas yung van sa gate at huli naman ng dumating si Herman na may galit sa mukha.
"THAT BRAT. I'M KILLING HIM WHERE IS HE!" hinila niya yung damit ng isa sa mga tauhan at natakot naman itong sumagot sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Musical Mania Online
Science FictionMusical Mania is a PD-VRMMORPG that brought a fresh new concept to the same old fantasy adventuring game. Unlike any of the other games, Musical Mania supports and influence players to try and fight monsters through playing musical instruments. Comp...