Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.
Musical Mania is a PD-VRMMORPG that brought a fresh new concept to the same old fantasy adventuring game. Unlike any of the other games, Musical Mania supports and influence players to try and fight monsters through playing musical instruments. Comp...
[Reminder: Studio = Guilds, Managers = Guild Leaders]
Maliwanag na tumatagos mula sa salaming bubong ang ulap at araw ngunit malamig na parang naka aircon sa loob ang kasalukuyang nararanasan ni Dash at Lemon habang pasikot sikot mula sa waiting room. Di pa sila lumalabas dito ay kitang kita na nila ang lawak nung bilog na stage sa gitna at yung napakalaking 4 angle screen sa taas nito. May mga hologram ring nakahanda sa himpapawid na siyang naninilbihang panoodan ng mga dadalo sa Audition.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Location: Musical Alliance Building Inner Quadrangle
MAIN STAGE
Time: 7:43 a.m.
Bawat manonood sa audition ay tanging mga managers at sub managers lamang mula sa ibang studios sa iba't-ibang panig ng mundo. Sa tuwing nagaganap ang audition ay dumadalo sila para magr ecruit ng mga bagong members para sa kanilang sari sariling mga studio. Sa kasalukuyan ay mayroong 6,622 na managers ang nakaupo na sa kanilang reserved seats habang sa front seat ay may apat na malalaking upuan para sa apat na founding leaders ng Musical Alliance.
"Ano ulet tawag diyan?" tanong ni Dash.
Pinakita ni Lemon ang hawak niyang cellphone dahil nakasulat sa mukha ni Dash ang nasasabik at naiintriga.
"Tawag namin dito cellphone. Isa siyang tool na pwedeng gamitin pantawag sa isang tao kahit saan sila sa mundo. Cool right?" pag papaliwanag niya ng simple lang para di siya magukuhan.
"Interesting. Kagaya nga ng nakasulat sa document, this city really is a future city. Itong...cellphone ba kamo....in terms of information trade at contact...other countries are at least 3-4 generations behind." matalinong pag momonologue niya.
"Di ba..di lang yun...look at this." tinapat ni Lemon yung camera kay Dash at nalilito naman si Dash sa kung ano man ang ginagawa niya.
"Ginagawa-" di niya natuloy ang sasabihin niya nung bigla siyang nailawan sa flash ng camera.