[3-2] Recruitment

142 11 3
                                    

====================

"Recruitment"

Point of View : Dash

====================

The next day...


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Di kami natuloy kagabi dahil kulang bilang namin at ngayong araw ay susubukan naming yayain yung kakilala ni Prince Chris. Sabi niya isa siyang physical enhancement type at kaya niyang mag withstand ng big damages. Isa siya sa classmate namin kaya mukhang madali namin siyang makakausap.


"SIya ba yung tinutukoy mo your highness?" tanong ko.


"Yap. His name is Lucas Fou Chamberlain. He's also my cousin..pero hinde dito.. he's a cousin from the other world." sambit niya.


Ibig sabihin isa ring chosen one yung irerecruit namin dahil sa sinabi niya. Di pa ako gaano naka adjust sa mga nangyayaring other world knowledge pero sinusubukan ko naman paring mag act ng normal sa harap nila.


Nag ring yung bell at umalis na yung teacher namin na nag discuss ng Music History. Vacant yung next subject dahil nag attend ng meeting yung instructor namin sa Adventuring Basics. Dahil dun, nagsimula ng bumuo ng chatting circles yung iba habang kami naman ni Prince Chris ay nakaupo padin.


"Tara" saad niya at tumayo na lang bigla.


"EH?" gulat ikong reaction nung di siya nag dalawang isip na lumapit kay Prince Lucas na madaming kausap na classmate.


"T-teka." nagmadali na akong tumayo at sinamahan na lang siya.


Isa isang natahimik yung mga kasama niyang nakakita saming papalapit sa grupo nila at nung nakalapit na nga kami ay natahimik na rin si Prince Lucas. Lumingon siya samin at di man lang siya nagulat o nag react nung hinawakan siya ni Prince Chris sa balikat.


"Your highness..may kailangan ka ba?" matapang niyang tanong.


"May sasabihin ako. HAHAH..sorry guys hiramin ko muna si Lucas." masaya niyang diin at wala naman nagawa yung iba kundi tumango na lang sa gusto ni Prince Chris.


"Tara Dash..usap tayong tatlo sa dulo." saad niya at hinila rin kamay ko.


Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon