[2-2] Here Comes Trouble

194 12 1
                                    


====================

"Here Comes Trouble"

Point of View : Dash

====================


"The opening ceremony will start in 30 minutes. Please gather immediately in the school grounds." pag aanounce  sa buong academy using mysterious spell.


This place never change. Malawak parin at puno ng mga nagmamahalang decoration. May bitter experiences ako sa academy na 'to kaya may mga lugar na ayaw kong mapuntahan. Hanggang ngayon naalala ko parin yung mga matutulis nilang insulto sakin at sa pamilya ko. Dahil repeater ako this year, yung mga nam-bully sakin noon ay 2nd year na kaya pinagdadasal kong sana di ko sila makita dahil ayaw ko talaga maalala ulit mga mukha nila.


"Oh shit..Dash...nakalimutan ko yung Training shoes mo." biglang saad ni Lemon na dinodouble check yung bag."


"Hala..anlayo na natin sa dorm." sabi ko ng kinakabahan.


"Sorry sorry.. kunin ko na lang brb." iniwan niya yung bag ko at bigla na lang tumalon mula sa bintana.


tumalon......

sa bintana...

bintana?!....


teka nasa 4th floor kami ng academy...Lemon?!!


"L-Lemon?!!" binilisan kong tumingin sa baba para tignan kung patay na siya pero buti na lang nabuhay.


Nag si tinginan ang madaming tao mula sa paligid ko at nagulat naman yungmga tao sa baba kung saan ligtas na naglanding si Lemon. He gathered quite the attention at di iko yun nagustuhan. To avoid it, pinulot ko na lang yung bag na iniwan niya at ginamit ko 'to pantakip ng mukha bago pasimpleng umalis doon.


Pero sa sobrang pagmamadali ko ay di ko nakitang may grupo na pala ng studyante ang palakad sa direksiyon ko. Di na ako naka react dahil  nabangga ko na yung isa sa kanila at parehas kaming napaupo sa sahig.


"Putang-" napamura yung nabangga ko sa nangyari kaya di ko na muna pinansin yung kalat na lumabas sa bag ko. "S-Sorry.."


Tumingin ako sa mukha niya at nanghina naman ako dahil yan yung nagiisang mukha sa academy na ayaw kong makita. Siya yung studyanteng nagpasimuno ng pangit na palayaw sakin at siya rin yung nagbigay impyerno sa buhay ko last year.


He has blonde hair, matangkad siya at blue yung mata niya. Abot hanggang balikat yung haba ng buhok niya at nakasabit palagi sa mga balikat niya yung raiment. 


Malas...kasasabi ko lang na ayaw ko siyang makita eh.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon