====================
"Play"
Point of View : Lemon
====================
Binulong sakin ni Renz na binigyan niya si Dash ng ideya na taga ibang mundo kami. Technically it's true kaya yun muna ang ilalapag namin kwento sa kaniya. At dahil sinabi na niya lahat, di na ako magaabala pang i-explain ulit sa kaniya ng buobng detalye.
"So ano plano mo Lem." tanong ni Renz habang iniinom yung cup of tea niya.
"For now, tuturuan ko muna 'to kung paano mag gitara. Agreement kasi namin eh, inexchange for my freedom, tuturuan ko siya." sagot ko.
"Bakit? Anong ibig mong sabihin exchange for freedom?" tanong niya ulit.
"Long story short, yung vessel na nakuha ko slave." sagot kong nahihiya.
"Pfft...S..Slave?...HAHAHAHAHA" nabuhos niya kalahati ng iniinom niyang tea at sumabog sa tawa nung malaman niya sitwasyon ko.
"Manahimik ka. Akala ko naman kasi apprentice merchant yun pala slave merchant. Hayss.." pagrereklamo ko habang patuloy parin sa pagtatawa si Renz.
"Di ko inakalang makakakita ako ng isang maid at high prince na nagbibiruan. Hahaha." ngiting saad ni Dash.
Sa kalagitnaan ng biruan namin ay biglang bumukas yung pintuan. Isa isang nagsipasukan yung mga maid ni Renz at iniwan sa table namin yung madaming snacks at tea. Sa sobrang bilis nilang magtrabaho di man lang nagawang umimik at pinanood na lang silang eleganteng inihanda yung mga pagkain. Pagkatapos nun ay nag bow sila ng sabay sabay tiyaka maayos na umalis ng room.
"Mayaman ka na nga sa totoong buhay mayaman ka pa dito. Bwisit ka." pagrereklamo ko.
"Hahahaha, di ko naman kasalanan na ito lang yung nag iisang character vessel na prinesent sakin ni Miku." sambit niya.
Halatang walang naiintindihan si Dash sa pinaguusapan namin dahil kamot siya ng kamot sa ulo. Inibahan ko na lang yung topic para makasali naman si Dash at di magmukhang engot sa gilid na nakaupo lang.
"So uh--" putol kong sambit ng bigla akong inunahan ni Renz sa pagsasalita.
"Kanina pa ako naatat malaman kung paano mo ginawa yung command magic. Ang overpowered naman niyan." saad bigla ni Renz.
"Ah yun ba..yan yung nakuha kong passive skill eh." sagot ko.
====================
Passive Talent : Tyrant Ruling
Description: When Lemon gives command to someone they have no choice but to obey. He can only give one command for a single person once every 30 seconds.

BINABASA MO ANG
Musical Mania Online
Science FictionMusical Mania is a PD-VRMMORPG that brought a fresh new concept to the same old fantasy adventuring game. Unlike any of the other games, Musical Mania supports and influence players to try and fight monsters through playing musical instruments. Comp...