[3-4] First Move

149 8 0
                                    

====================

"First Move"

Point of View : Author

====================


Musicians. Yan ang tawag sa mga adventurers na naglalakbay at pumoprotekta sa katauhan mula sa mga halimaw. TInatawag nilang Music Arts yung kanilang paraan ng pakikpaglaban na kung saan totoong musika ang ginagamit nila.


May mga monters na kaya ring gumamit ng tugtugin ngunit di ito kagaya ng musika. Ito ay tinawag nilang ingay o Noise. Dahil di marunong gumamit ng instrumento ang mga monsters, ang paraan nila ay ang pag iingay. Kung ang musika ay may pattern at magandang tunog ang noise naman ay ang kabaliktaran. Dahil magulo ito at pangit pakinggan, kadalasan itong delikado at nakakasira. Ginagamit ng mga higher ranked monsters ang ingay para magdala ng kalamidad at dahil wala itong pattern kagaya ng music madali lang nila itong gawin.


Isa sa mga higher ranked noise monsters na ito ay yung kakalabanin ng grupo ni Lemon na Raven Wolf. Ang skill nitong howl ay isang uri ng Noise skill na sumisira sa mga utak ng kapwa niya wolf. Di niya sila kokontrolin pero dahil sa pagkasira ng utak nila ay magsisimula silang umatake ng walang pinipiling prey.


TIMER : 00:02:01:89

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TIMER : 00:02:01:89


"Renz ikaw ang offense natin. Atakihin mo yung wolf from a distance. Dahil underleveled ako, mag proprovide na lang ako ng simpleng healing at movement speed support. Lucas ikaw vanguard kaya wag mo siyang hahayaan na makalapit sakin o kay Renz." pag sasaad ni Lemon na pinoposition yung mga bato na parang chess board yung lupa.


"Eh ako?" tanong ni Dash.


"Hmm..Dash...ikaw na bahala sa Guerilla tactic." sagot niya.


"Guerilla Tactic?" naguguluhang tanong ni Dash.


"Offense at Defense. Ikaw mag susupport sakanila sa sidelines." sagot ni Lemon.


"Anong gagawin ko sa vanguard?" tanong naman ni Lucas.


"May dalawang skill lang yung wolf. Growling Charge at yung gagamitin niyang Disruptive howl na mag lalagay sa buong pack niya into a frenzy. Di ko alam kung gaano kalakas yung Growling charge pero ginagamit niya yung tunog ng growls niya para ma enhance yung physical attacks niya." biglang lumabas mula sa bulsa ni Lemon si Melon at pinaliwanag niya yung kaalaman niya sa wolf.

Musical Mania OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon