Maxwell's POV
"You know him?" Salubong ni kalendaryo saakin. Umagang-umaga tanong kaagad ang salubong, hindi ba pwede pera nalang ha? Naubos kaagad ang allowance ko for this week. (╥﹏╥)
Nilampasan ko lang siya. "I'm asking you, h'wag kang bastos." Sabi niya na ikinahinto ko sa aking paglalakad.
Bakit parang ang tanda-tanda niya na kung makapagsalita ha? Ang alam ko magka age lang kami! "Aish, ano ba 'yon?" Tanong ko. Umagang-umaga kaso bad mood kaagad.
"Yukie Nathaen. Kailan mo pa siya naka close?" Tanong niya naman.
Pasimple akong napangiti sa hindi ko alam na dahilan. "Hindi naman kami close."
"I saw you yesterday morning with him."
"Haa, nagkasalubong kami tapos nagtaka siya kung bakit kami parehas ng uniform. Ayon na 'yon." Walang gana kong sagot sakaniya.
Hindi ko na narinig ang boses niya. Dumiretso ako ng banyo at hindi na nagbalak kumain dahil wala na 'kong gana.
Nakapagbihis na ako lahat-lahat pero hindi ko parin nakikita si tito. Saktong dumaan ang isa sa kasambahay nila. "Nasaan si tito?" Tanong ko dito.
"Si sir? Maaga pong umalis ma'am. Pasikat palang ang araw umalis na." Sagot niya.
Naglakad nalang ako katulad ng ginagawa ko noon tiyak naman na hindi ako pasasabayin ni kalendaryo sa kotse niya.
"Good morning." Boses galing sa'king likuran. Kaagad akong napalingon, bigla nalang kumabog ang dibdib ko ng kay lakas dahil halos magkatapat lang kami, mabuti nalang matangkad siya.
"H-Hi? Hi! Good morning din." Ani ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Pinilit kong ayusin ang sarili ko pero sa totooo lang parang sasabog na ang puso ko sa kaba. Ano bang meron sa'yo Maxwell??
Nabalot kami ng isang malaking katahimikan, gusto kong magsalita kaso hindi ko alam ang sasabihin. Nahihiya talaga ako sakaniya.
Parehas nalang kaming napahinto ng may kotseng biglang humarang sa dinaraanan namin. "Hoy, gusto mo bang makapa---."
Hindi ko na naituloy ng magbukas ang bintana ng kotse at si kalendaryo ang driver. Gusto niya naba talaga kong mawala sa mundo ha?! "Bakit hindi mo ako hinantay?" Tanong niya na ikinakunot noo ko.
"Augustus.." Saad ni Yukie.
Pero nanatiling saakin lang ang tingin ni kalendaryo. "Sakay." Maikli nitong sabi sabay bukas ng pinto ng kotse.
"Mauna kana, maglalakad nalang ako." Sabi ko naman na mas lalong kinawala ng expression sa kaniyang mukha.
"Sakay." Naikagat ko nalang ang aking ibabang labi sa inis. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumakay sa kotse ng hindot kong pinsan.
"Kita nalang tayo sa school ha? S-Sorry." Ani ko sakaniya pagkatapos kong isira ang pinto.
"Tss. Ano bang problema mo ha?" Tanong ko sakaniya habang nakacross-arms. Hindi siya sumagot. "Minsan ayaw mo akong kasabay sa pagpasok kaya naglalakad ako mag-isa, tapos sa tuwing may kasama ko gusto mo naman na sumabay ako sa'yo. 'Yung totoo may saltik kaba sa utak ha?"
"Napakaingay." Maikli niyang komento.
Napanguso ako at hindi na nagsalita ulit. Pero ewan ko ba talaga sa mindset ng kalendaryong 'to. Lagi nalang panira.
Exactly 6, nakarating kami ng school. Tulad ng dati, bumababa na ako sa gate para hindi ko na siya makasabay sa paglalakad mamaya.
"Maxxx!" Sigaw ni Aber habang kumaaway saakin. Napakunot noo ako ng mamukhaan ang kasama niya.
"Yukie?" Pabulong kong tanonv saaking sarili. Ha? eh? Mukha kakagaling niya lang room dahil 'di niya na dala ang backpack na dala-dala niya kanina. Pero paanong mas nauna pa siya saakin, eh naglakad lang naman siya?
"Good morning, ulit." Pagkasabi niya nun ay isang malakas at malamig na hangin ang tumama sa buong katawan kaya nagsitaasan nalang ang mga balihibo ko.
Hindi kaagad ako nakasagot sa mga oras na 'yon. "Okay kalang? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Pabirong tanong ni Aber.
"Ha, wala. Punta na 'ko room." Saad ko.
May balak pa sana na sabihin si Yukie pero kaagad na akong naglakad ng mabilis. Sa sobrang lalim ng iniiisip, hindi ko na namalayan na nakabunggo na pala ko. "What the fck.."
"I-I'm sorr---." Hindi ko na natuloy ng makita ko ang mukha ng taong nabunggo ko. "Deserved." Mariin kong sabi.
Maglalakad na sana muli ako ng hawakan niya ang braso ko. "You crazy btch." Mahinahon niyang sabi pero mahahalatang galit siya.
"Bakit hindi ka kase tumitingin sa dinaraan mo?! Tapos ako pa ang sasabihan mo ng crazy btch crazy btch, mamamo." Tanong ko sakaniya. Oo, Ik kasalanan ko. Kaso ayaw 'ko naman na ako talaga ang magmukhang may kasalanan!
"Anong nangyari?" Tanong ni Aber habang nakatingin sa kamay ni Casper na nakahawak saakin.
Nagulat nalang ako sa susunod na nangyari. Iniyakap ako ni Casper. Nakahawak ang isa niyang kamay sa ulo ko kaya ngayon nakatapat ako sa dibdib niya, rinig na rinig ko rin ang pagtibok ang puso niya. Gusto kong kumawala dahil nakakahiya! Ano bang trip ng lalaking 'to?
"Sorry na, magbati na tayo." Sabi niya.
Hindi ko alam kung ano bang pinagsasabi nito ng baliw na 'to at kailan pa siya natutong mag sorry? "Bati na tayo love ah. I love you."
Sa puntong ito ay nakawala na ako sa pagkakayakap niya. Napakunok nalang ako ng makita siyang nakatingin at nakangiti saakin. "Ano bang pinagsasabi mo?! Anong I lo---."
"Huwag kana magtampo, tara na." Putol niya sa sasabihin ko. Hinawakan niya ako sa pulsuhan, nagsimula siyang maglakad. Ayaw kong kasabay angw weirdo na 'to kaso malakas ang pwersa niya saakin.
Ano bang nakain niya? I love you?! Yck iw! Ang kapal ng mukha naman nito. Tinawag niya pa 'kong love. Jusko Lord, bakit naging gan'to si Casper? Sa totoo lang mas gusto ko pa na lagi siyang cold para makalayo ako sa gulo.
Hindi naman kami, bakit siya nag i love you? Atsaka hindi talaga magiging kami!
Napalingon ako sa likuran, kung saan nandoon si Aber at si Yukie-Halatang malalim ang iniisip ni Aber habang nakatingin lang saamin si Yukie.
Huminto kami sa tapat ng pinto ng room at binitawan niya narin ako. "Nababaliw kana ba?! Anong i love you ka d'yan? Tapos sorry-sorry, samantalang lagi ka nalang walang pakialam sa tuwing binabara mo 'ko."
Kita ko ang pagkagat niya sakaniyang ibabang labi. "Napaka-ingay mo. Ang pangit mong gumanap. Saad niya at pumasok sa loob ng room na para bang walang nangyari.
//Errors Ahead.
YOU ARE READING
Ang Binibini Ng Finley University
FanfictionShe loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the only girl? (Ps. There's a lot of errors na hindi ko na alam kung saan chapter iyon, like 'yong sectio...
