36

485 15 7
                                        

Maxwell's POV

Pagkasabi ko nun ay kusa akong napatingin kay Yukie, hindi ko naman inaasahan na nakatingin din s'ya saakin habang hindi ko masabi ang reaksyon n'ya.

Bigla akong kinabahan ng naglakad s'ya palapit saakin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na para bang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa bago pa s'ya makalapit saakin.

Napalunok ako ng nasa harap ko n'ya s'ya. "Wala talaga akong marinig." Aniya, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng sabihin n'ya 'yon.

Napabuga na lamang ako ng hininga. "Did something happen? You seems nervous." Tanong n'ya at natawa ako.

Umiling ako. Tumingin s'ya sa wrist watch n'ya. "It's already 5, that was fast." Aniya na ikinataka ko.

Hinawakan ko papalapit saakin ang braso n'ya at tumingin sa wrist watch n'ya, nanlaki ang mga mata ko na mag f-5 na nga talaga. "Ang bilis, isa palang ang nattry natin." Pabulong kong saad.

"What's with your face? Are your alright?" Tanong n'ya, napangiwi ako.

"Kailangan ko ng umalis, magagalit si Augustus kapag wala pa ako sa kotse n'ya ng 5." Sagot ko.

Napatango s'ya. "It's okay, at least..." Tumingin s'ya saakin ng diretso at ngumiti. "...we have fun, on that string phone." Awkward s'yang napangiti at napakamot sakan'yang ulo.

Ngumiti nalang din ako kahit na kitang kita sa mukha n'ya na 'di s'ya nag enjoy, maski ako. "See you tomorrow, at school." Saad n'ya.

Nakangiti akong kumaway sakan'ya bago maglakad palayo. Nakarating ako sa pinagparking-an ni kalendaryo, naabutan ko s'yang natutulog kaya kumatok ako. "Hoy Augustus!" Sigaw ko pero ayaw n'ya parin magising.

Napangiti ako ng nakakaloko ng may maisip na kalokohan na maaaring makapag pagising sakan'ya. "WOAH, PENTEL PEN BA 'TO? HALA OO NGA, PARANG ANG SARAP TULOY DRAWING-AN NG FLOWERS ANG KOTSE NI ANO---."

Napahinto na ako ng makita ko s'yang masamang nakatingin saakin. Natawa na lamang ako sa reaksyon n'ya. Binuksan n'ya ang pinto ng kotse at bumaba. "What are you trying to do with my car?" Inis na tanong n'ya habang nilibot ang buong kotse n'ya.

Pagkatapos ay hinarap n'ya ako. Nginitian ko s'ya ng malawak. "Joke lang, look wala akong pentel pen na hawak." Saad ko at itinaas ang aking dalawang kamay.

"Then why are you shouting so lead? You're so annoying." Inis n'yang sabi.

Napangusl ako. "Eh ayaw mo kayang magising, kahit anong gawin kong tawag sa'yo tulog manika ka." Sagot ko.

"Whatever, let's go home---." Nagtaka ako ng bigla na lamang s'yang napatingin sa isang direksyon at ilang sigundo ring hindi gumalaw at nanatili lang doon sa direksyon na 'yon ang tingin.

Balak ko narin sanah tumingin ng bigla na muli s'yang nagsalita. "Let's go, what are you waiting for?" Tanong n'ya na halatang iritado.

Tinaasan ko s'ya ng kilay, parang ako pa may kasalanan ha? Eh s'ya nga 'tong makatitig sa 'di ko alam kung saan s'ya nakatingin. Teka, baka nakakita s'ya ng magandang babae?

Automatiko akong napatingin kay kalendaryo habang inii-start n'ya ang engine. Na love at first sight kaya s'ya?

Kunot-noo s'yang tumingin din saakin ng mapansin n'yang nakatingin ako sakan'ya. "Why are you looking me like that?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now