Maxwell's POV
Weekend kaya nandito lang ako sa loob ng aking kwarto at magdamag na nakahilata. Wala rin naman akong maisip na pwedeng gawin kundi sa paghiga, manood ng tv, at magdutdot sa cellphone.
Tumayo ako at naglakad papuntang pinto para kuhanin ang bag kong nakasabit sa likuran nun. Kaagad kong hinalungkat ang loob ng aking bag nang makabalik na ako sa kama. "Ano nalang kayang maiisip nila kapag lumipat na ako ng section ng hindi ko manlang nababanngit sakanila?" Tanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang class picture nila na ibinigay saakin ni Astros.
Huminga ako malalim. "Panigurado na matutuwa ang lokong 'yon dahil una palang gustong-gusto niya na ako umalis." Napairap ako ng mahagip ko mukha niya sa class picture nila.
Paano nalang kaya si Aber? Magtatampo kaya siya? O kaya si Denden, mamimiss kaya ko ng lalaking 'yon? Si Yukie... Baka ako lang ang maka miss sakaniya.
Bumaba ako ng makaramdam ako ng gutom at sakto naman na kakatapos lang magluto ng isa sa kasambahay nila. "That's my seat, find yours." Biglang sabi ni kalendaryo ng uupo ako sa upuang sabi niyang kaniya.
Masamang ko siyang tinignan. Bakit may pangalan niya ba? Bakit binili niya? Lumipat ako sa kabilang upuan. "Enjoy your food po." Sabi ng kasambahay pagkatapos niyang mailagay sa lamesa ang pagkain namin ni kalendaryo at kaagad ring umalis.
"Hindi kaba magrereklamo kay Dad?" Ani ni kalendaryo kaya napakunot-noo ako.
"Ah?"
"Like you used to. Lagi ka nalang nagrereklamo noon sa tuwing ililipat ka ng school." Sagot niya habang inalalaro ang hatdog na nasa plato niya.
"Ah. Ewan ko feeling ko naman mas okay na 'yon...Teka nga! Huwag mong sabihin na nagsisisi kana na pumayag ka ilipat ako sa section nito?!"
Nanlaki ang mga mata ni kalendaryo. "What? That's isn't what I mean." Kaagad niyang sagot.
Napatango lang naman ako. "Ano bang meron sa room n'yo?" Tanong ko sakaniya.
"I'm the class president." Sagot niya.
"Uso paba 'yon?" Wala sa sarili kong tanong.
"Of course, lahat ng section may sari-sariling class officers. Sadyang irresponsible ang section 143." Sagot niya na ikinangiwi ko.
"Good morning." Bati ni tito habang may dala-dalang box.
"What's that?" Tanong ni kalendaryo habang nakaturo doon.
Napatingin din si tito sa box. "Ah eto." Saad nito sabay bigay saakin na ikinagulat ko.
"Nakita ko 'yan sa ilabas. May name mo so obviously that's yours."
Kinuha iyon. "Thank you tito." Kaagad akong umakyat sa aking kwarto dala ang box na 'yon.
Napatingin ako sa bawat gilid ng box, may name ko nga. Kumuha ako ng cutter at binuksan ang box. Tumambad saakin ang sandamakmak na pictures...Ako iyon at sa tingin ko ay mga six or seven years old lang ako sa picture, mayroon ding ilang laruan.
Isasarado ko na sana muli ang box dahil alam kong si Kuya ko lang ang nagpadala nito, siya lang naman ang kasama ko nung bata pa'ko. Ngunit natigilan ko ng may makitang litrato, ako at may kasamang batang lalaki na may pagka blur nga lang ang mukha at sigurado ako sa mga na 'to na hindi si Kuya iyon.
Malawak ang ngiti ko doon habang nakaakbay sa batang lalaki. Naisipan ko pang maghalungkat, may nakita ako digital voice recorder at mayroon ding sobre, sa sobrang curious ko ay kaagad kong binuksan at binasa.
Bigla nangatog ang aking mga kamay at nanghina ang aking mga tuhod. "FOUND YOU." Parang dugo ang pinansulat doon. Pero hindi ko alam, sino ang nagpadala nito? Ngayon talaga ay sigurado na akong hindi si Kuya, dahil never siyang magpapadala ng ganito.
Nailayo ko bigla saakin ang sulat na 'yon at dahan-dahang napatingin sa Voice recorder. Buong tapang kong ikinuha iyon, pumikit ako bago pindutin ang on button.
"Kuyaaa sandali..." Napamulat kaagad ako ng aking mga mata ng marinig 'yun. Ako 'yon, boses ko 'yon at base sa boses ko masaya ako doon.
"Habulin mo 'ko Maxie! Hahaha." In-off ko ang button. Boses lalaki ang boses na 'yun. Hindi 'yun si Kuya dahil masiyadong matinis ang boses na 'yon.
Maxie? Naalala ko iyon, ayun 'yung huling kong naalala nang magising ako sa hospital. Natahimik ako saglit ng may maalala pa ako sa Maxie bukod doon.
Napaikagat ako sa aking ibabang labi at kaagad na hinanap ang cellphone ko. Nang mahanap ko ay mangatog ngatog akong pinindot ang message.
Tama nga ako si Mr. unknown number ang tumawag saakin nun. Siya kaya ang nagpadala nito? Pero bakit mayroong mga picture ko noong bata pa 'ko at mayroon ding kasamang batang lalaki?
Wala talaga akong maalala sa childhood life ko pero panigurado ako na si kuya at kalendaryo lang ang nakasama ko noong bata pa ako. Hindi ako palakaibigan, wala akong ibang kaibigan bukod sakanila, ayon ang sabi saakin noon ni kuya.
Pero sino ang lalaking 'yon? Bakit ko siya tatawaging kuya? Bakit ang saya ko sa voice recorder kasama siya? Hindi kaya...
...May iba pa akong kapatid bukod kay Kuya Maxrine?
Kinabukasan. Alas kuatro palang ay nagising na ako. Hindi na ako mabalik sa pagtulog dahil nahirapan na ako kakaisip magdamag sa sa box na 'yon. kaya naisipan kong nalang bumaba ng makaramdam ako ng gutom.
Wala ni isang tao ang nasa ibaba siguro mga tulog pa sila. Nagpunta ako sa kusina pero nabigo ako dahil puro gukay at prutas ang nasa ref.
"Sinong nandiyan!" Bigla kong sigaw ng makarinig ng ingay mula sa sala sabay kuha ko ng walis na nasa tabi ng ref.
Naglakad ako dahan-dahan hanggang s makarating ako sa sala, nanlaki ang nga mata ko ng makakita ng taong nakaupo sa couch. "Sino ka? Ahh!" Sigaw ko at bigla siyang pinagpapalo ng walis.
"What happened?" Gulat na tanong ni tito sabay bukas sa ilaw.
Nanlaki nalang ang mga mata ko at napabitaw sa walis na hawak ko. "What's wrong with you?! That's hurts!" Reklamo ni Kalendaryo.
Napakurap ako ng ilang beses. "Akala ko kung sino." Wala ko sa sariling sagot.
"You're crazy. Bakit ba ganitong oras nandito ka ah?!" Pasigaw na tanong ni kalendaryo.
"Wala nag cr lang. Hehe sige akyat na 'ko." Saad ko at dali-daling umakyat.
"May cr naman sa kwarto niya ah." Dinig kong sabi ni tito.
Lumipas ang ilang oras. May kumatok sa pinto na kaagad kong binuksan. Si kalendaryo, sisigawan niya ba ako dahik sa kanina? "Let's talk."
"Nag-uusap na tayo." Pamimilosopo ko.
Pumasok sa kwarto ng hindi manlang nagsasabi at nahiga sa kama. "Kapal luma---."
"You must and you must not do." Putol niya saakin na kinakunot-noo ko.
"First, you must act like we're classmates and not as cousins"
"Second, be a woman." Tinignan ko siya ng masama, bakit mukha ba 'kong lalaki? Itong face na 'to, lol panlaban na kaya 'to sa Miss U!
"Last, kapag nakita mo sila, nakasalubong, or tinawag ka nila. Don't pay attention to them."
Napatingin ako sakaniya ng diretso habang nakahiga. "Kanino? Sa mga classmates mo?"
"No." Naupo siya. "The whole section 143."
/error aheads, lame, slow updates.
YOU ARE READING
Ang Binibini Ng Finley University
FanfictionShe loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the only girl? (Ps. There's a lot of errors na hindi ko na alam kung saan chapter iyon, like 'yong sectio...