MAX's POV
Maaga akong nagising ngayon. Hindi para makitang maaga ang mga pagmumukha ng mga new classmates ko, kundi para madami akong makain ngayon hindi katulad kahapon na na-late ako ng gising kaya egg sandwich lang ang inagahan ko.
"Ang aga mo naman atang nagising ngayon Max." Sabi ni Tito at humikab.
Naupo sya sa tabi ng inuupuan kong upuan at kinuha ang dyaryo nya, dati nung una kong lipat dito hindi naman sya palabasa hanggang sa nakita nyang nagbabasa yung isa sa mga kasambahay nila. Kaya ayun naging daily routine nya na ngayon.
OO! SHARE KO LANG!
Pero mas na-miss ko yung daily routine ko. "Di naman po masyado. Ayaw ko lang po kaseng ma-late kayo ng dahil saken." Sagot ko.
Hehe kunwari mabait...
Bigla nalamg nawala ang ngiti ni Tito kaya naman napakunot-noo ako. "Sabihin mo nga sa akin, may ginawa ka na naman bang kalokohan kaya ang galang-galang mo ngayon?"
Sana pala di nako naging kunwaring mabait...
"Grabe ka naman ni Tito, naging magalang lang may ginawa na agad na kalokohan? Hindi ba pwede nagbabait-baitan lang?" Tanong ko at napanguso.
Napangiti si Tito ng malawak at hinimas-himas ang batok nya. "Akala ko naman kase eh..."
"Ooh, hi dad!" Bati ni kalendaryo kay Tito sabay upo sa katabing upuan ni Tito.
"Uy candy ang aga mo naman atang nagising." Sabi ni kalendaryo na may halong pang-aasar.
"Uy kalendaryo...Pake mo ba?!" Sarcastic kong tanong.
"Enough."
Okieee sabi mo ehhh...
"Max, di ka ba galit?" Napakunot-noo ako sa tanong ni Tito.
Galit saan?
"Bakit naman ako magagalit? Dahil ba ang papanget ng mga classmates ko?" Tanong ko.
Harsh na kung harsh!
"Hindi..." Tinasaan ko ng isang kilay si Tito. "About sa F.U."
About sa F.U? Well, sa totoo lang nagagalit ako kase ang sasama ng ugali ng mga naging classmates ko. Batuhin ka man lang ng paper balls sa bunganga, hindi ka ba magagalit nun?
Oh sya! Ayoko ng maalala.
"Ang ibig mo bang sabihin, hindi mo parin alam? Hindi parin sinasabi sayo ni Casper yabang?" Tango lang ang naging sagot ko kay kalendaryo.
"Max, wag ka sanang sumigaw ng malakas dito..." Ano bayun?! Ni kakabahan nako ah! "...Pero kase..." My heart went oppx... "...Kase..."
"KASE ANO?!" Halatang nagulat sila sa inasta ko.
Sorry naman
Iniayos ko muna ang upo ko bago tumingin ulit kay Tito. "...Kase ikaw lang ang nag-iisang babaeng student sa Finley Univeristy."
At tumigil ang mundo...
Kaya pala puro lalaki ang naka-tambay sa labas. Kaya pala sinabi ni Tito oahapon yun. Kaya pala puro lalaki ang mga classmate ko. Kaya pala nagulat sila ng makita nila ako. Kaya pala mukhang dragon si Casper.
How about you? Ano ang KAYA PALA mo?
Napatayo nalang ako sa hindi ko alam na dahilan. Ang alam ko lang ngayon ay lutang ang isip ko. "Ano ulit yon Tito?" Wala sa sarili kong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/224790390-288-k367599.jpg)
YOU ARE READING
Ang Binibini Ng Finley University
FanfictionShe loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the only girl? (Ps. There's a lot of errors na hindi ko na alam kung saan chapter iyon, like 'yong sectio...