32

529 31 0
                                        

Maxwell's POV

Hawak ni kalendaryo ang braso ko habang naglalakad kami, ang higpit pa ng hawak n'ya mukha tuloy akong bata na tatakbo palayo kapag nabitawan n'ya.  Sinilip ko ang mukha ni kalendaryo, wala kareak-reaksyon ang mukha n'ya at ibig sabihin no'n ay nagsisimula na ang katapusan ng buhay ko.

Nakita ko si tito 'di kalayuan. Naupo kaagad ako nang bigla akong bitawan ni kalendaryo. "Where did you go?" Tanong ni tito.

"Cr." Sagot ko.

"Bakit ang tagal mo? Sa bandang likod natin kanina ay may bathroom doon." Bigla akong napatingin kay tito dahil sa sinabi n'ya.

"Talaga? A-Ah, eh, ano, 'di ko alam." Aniko at naibaba ang aking tingin.

"Where did you find her?" Tanong ni tito kay kalendaryo na nakapag pakaba saakin ng sobra.

Napapikit na lamang ako habang hinihintay ang sagot ni kalendaryo na magiging dahilan ng end of my world. "I saw her eating. Baka sa kakahanap n'ya ng cr, nagutom." Sagot ni kalendaryo dahilan para mapatingin ako sakan'ya.

Nagtaas lang s'ya ng balikat. Narinig ko naman ang pagtawa ni tito. "Auquelo!" Malakas na tawag ng kung sino kay tito.

"Mr. Guerre---I mean, Angelo." Saad naman ni tito.

Tinap ng tatay ni Aber ang likuran ni tito. "Our batchmates' here, do you want to see and talk to them?" Nakangiting ani ng tatay ni Aber.

"Of course, sure. I'll be glad to." Sagot ni tito at bigla na lamang tumingin saamin. "Just stay here, I'll be back in minutes." Saad n'ya saamin ni kalendaryo, napatango kami.

Sinundan ko ng tingin sila tito na naglalakad palayo at ng masigurado ko na malayo na sila ay kaagad kong hinarap si kalendaryo. "May sakit ka ba?" Tanong ko sakan'ya bigla naman s'yang napakunot noo.

"Huh?"

"B-Bakit 'di mo sinabi 'yong totoo? Uhm, ibig kong sabihin na 'yong kasama ko sila, sila basta sila." Sagot ko.

Bigla na namang nawala ang reaksyon sa mukha n'ya. "Dad only asked where did I find you." Aniya na ikinataka ko.

Kahit na, edi sana 'di ba kasama na doon na nakita n'ya akong nandodoon at kasama sila. "Pero---."

Bigla na lang s'yang tumingin ng diretso sa mata ko kaya 'di na ako nakapag salita pa. Yumuko na lang ulit ako kahit 'di ko pa talaga alam ang dahilan kung bakit 'di n'ya ako sinumbong. Gustong-gusto nga n'yang napapagalitan ako ni tito pero 'di n'ya sinabi ang buong detail sa kung saan n'ya ako nakita.

Teka nga, bakit parang ang lungkot ko? 'Di ba dapat masaya ako? Kasi 'di n'ya sinabi? Na extend ang end of my world ko pero bakit parang mas nalungkot ako kaysa sa matuwa? Aish! Nevermind.

"It's almost an hour..." Pabulong na sabi ni kalendaryo habang tumitingin sa paligid.

Kanina pa kami dito, mas'yado atang napasobra sa chismis si tito. "Hey." Napatingin ako kay kalendaryo. "Stay here, I'll look for Dad."

Pipigilan ko sana s'ya dahil sabi ni tito ay mag stay lang kami pero 'di ko na nagawa nang bigla nalang s'yang tumayo sa inuupuan n'ya at mabilis na naglakad.

Saktong 'yon ay bigla na lamang nagplay ang music, madaming nagsitayo at nagpunta sa pinakagitna. Sa sobrang curious ko ay napatayo ako kung anong mayroon, nasulyapan ko na madaming magpapartner ang nagsasayaw.

Bumalik narin kaagad ako sa table namin. Nagulat na lamang ako ng may nakaupo sa inuupuan ko. "E-excuse me?"

Tumingin s'ya saakin. "Hi Maxwell." Saad ng lalaki habang nakangiti.

Ang Binibini Ng Finley UniversityStories to obsess over. Discover now