Maxwell's POV
Nasa gate na ako no'n nung makapansin ako ng isang pamilyar na tao na naglalakad lang sa harapan ko.
Binilisan ko ang paglakad para makita ko angmukha n'ya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ng lalaki. "Woah! Woah!"
Napangiti s'ya ng makita ako. "I-Ikaw yung sa grocery 'di ba? Woah." Hindi talaga ako makapaniwala na nagkita kami ulit.
Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan ng maalala ko ang mga nangyari no'n. Ngumisi s'ya. "Awesome. We meet again."
Napangiti ako sa mga oras na 'yon para hindi niya mahalata na nahihiya ako. Nawala ang ngiti sa labi ko nang mapansin ko na magkapareha kami ng suot na uniform.
Napatingin rin siya saakin at doon na na siya napakunot noo. "We're wearing same uniform? H-How?" Tanong niya.
Mas lalo akong nagtaka, isang buwan na akong nag-aaral sa panglalaki na iskwelahan na 'yon pero hindi niya pa alam?
"Ha, a-ano..." Napakamot nalang ako sa aking ulo ng hindi ako makapag-isio na pwede kong iexplain sa lalaking ito.
"Maxwell Garciaaaa!" Dinig kong sigaw mula sa aming likuran.
Nilingon ko iyon at hindi naman ako nagkamali, si Aber na malawak ang nguti habang tumatakbo papalapit saakin. "Sino 'yan? Ba't hindi mo manlang sinabi na may boy---." Napatigil siya bigla ng humarap sakaniya 'tong lalaki.
"Yukieee?!!" Sigaw niya dito at patalon na niyakap ito.
Hindi ako nakapagsalita. "Aberis, ang liit mo parin." Saad nito habang pilit na itinatanggal ang pagkakayakap sakaniya ni Aber.
So, magkakilala sila? Lumapit ako sakanilang dalawa at ako na mismo ang naglayo kay Aber. "Boyfriend mo pala si Yukie, hindi mo manlang nabanggit." Saad ni Aber at ngumuso.
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na umiling. Mahina namang natawa itong lalaki---Yukie, Yukie pala ang name niya. "She's not ny girl haha, nagkita lang kami before." Saad ni Yukie. Lumapit siya kay Aber atsaka may ibinulong.
Hindi ko naman narinig kase nga 'di ba binulong lang. Tumawa ng pagkalakas-lakas si Aber at nakita ko naman ang pagngiwi ni Yukie sakaniya.
"Tara na Aber, baka malate pa tayo sa first subject natin." Aya ko sakaniya. Hehe sa totoo lang, wala akong pakialam sa first subject namin sadyang ayoko lang humaba pa ang usapan. Hindi sa ayaw ko siyang makausap, naaawkward-an lang ako.
Nakarating kami sa harap ng pinto ng room, laking pagtataka ko na nasa likuran lang namin si Yukie. Napahinto ako at pinagmasdan siya na papasok sa room namin na ikinataka ko naman.
"Yukie?" Dinig kong patanong na sabi ni Denden.
Kilala niya rin? "Welcomeback Yukie!" Sigaw naman ng isa at tsaka sunod-sunod na hiyaw narin ang narinig ko.
Kilala nilang lahat? Ha? Hindi ko magawang makaupo sa upuan ko dahil nandodoon silang lahat at pinagkakaguluhan si Yukie. Nanatili lang akong nakatayo sa tapat ng pintuan at pinanonood sila.
"You're back."
Napatingin ako sa nagsalita na nasa tabi ko lang. "Casper, bro." Kusa akong napalayo sakaniya dahil sa inis. Pft, mukha talaga siyang clown.
Naupo ako sa upuan ko at tumingin sa walang kabuhay buhay na mukha ni Casper, pero mukha talaga siyang clown. Hindi naman na nagsalita si Casper kundi dumiretso at naupo lang sa kaniyang upuan. "Pahingi naman!"
"Ano bang pasalubong mo saakin?"
"Wow, saakin ba 'tong toblerone?"
"Akin na 'to ha! Walang aagaw!"Sigaw nila at pinagkakaguluhan parin si Yukie. Natahimik nalang ulit ng makarating na ang first subject namin. "Pst. Aber." Pabulong kong tawag.
Napalingon naman siya kaagad. "Gaano kayo kaclose si Yukie?" Tanong ko naman.
"Mmm. Mwhga 101%." Sagot niya naman habang kumakain ng chocolate na galing kay Yukie. "Bakit gusto mo ba siya liga---." Natakpan ko nalang gamit ang kamay ko ang bibig niya dahil sa may pagkamalakas niyang sabi, kaya ngayon may mga chocolate na ang palad ko.
"Babae ako, bakit ko naman siya liligawan ha?" Maypagka diin kong tanong sakaniya. Nanatiling mahina ang boses ko dahil nagsasalita 'yung teacher namin na matanda at nagkwekwento ng buhay niya noon.
"Mukha ka namang lalaki, kaya okay lang 'yan." Saad niya at nagthumbs up saakin.
Hindi ko nalang siya muling kinausap, mukha wala rin naman akong makukuha na matinong sagot sa batang ito. Lunch na pero hindi ako nagbalak na umalis sa kinauupuan ko.
Lumapit saakin si Denden. "Hindi ka magla-lunch?" Tanong nito, iling lang ang naging sagot ko. "Osige.."
"Wait!" Sigaw ko bago pa siya makahakbang palabas. "Gaano kayo kaclose ni Yukie?" Tanong ko.
Naupo siya sa tabi ko. "Hmm, actually close kami pero we aren't friends."
Nalutang ako ng ilang sigundo sa sinabi niya. "Ah basta close kami pero hindi kami magkaibigan." Sabi pa niya ulit, tumango nalang ako kahit wala talaga kong naintindihan sa sinabi niya.
Balak niya na sanang lumabas ulit ngunit hinawakan ko ang braso niya para mapabalik siya sa pagkakaupo. "Saan ba siya galing? Bakit ang dami niyang dalang chocolate?"
"Korea." Maikli niyang sabi, at sa puntong ito ay hinayaan ko na siyang makalabas.
Woah, kakaiba pala 'tong si Yukie. Marunong kaya siyang mag Korean? Patago ko siyang tinignan mula sa kaniyang inuupuang silya. Gwapo siya, matangkad at payat.
"Type mo?"
Napawi ang ngiti ko at bigla akong napaayos saaking kinauupuan. "H-Ha? Anong type?" Tanong ko sakaniya, Schoutsen ang name niya kung hindi ako nagkakamali.
Time na ata para kabisaduhin ang mga pangalan nila, isang buwan ko na silang nakakasama pero iilan lang talaga ang namumukhaan ko. "Yukie type kaniya!" Sigaw niya na ikinalaki ng mga mata ko. "Yukie! Type k---." Kaagad akong tumayo at tinakpan ang bibig niya.
"Naks naman Maxwell."
"Akala ko pa naman ako type mo."
"Nagkakagusto ka pala sa lalaki, yiiie."Samu't-saring komento nila. "Hoy, hindi ha! Mga baliw ba kayo!" Sigaw ko ngunit nananitili ang mga ngisi nila saakin.
Napatingin ako kay Yukie na simpleng nakangiti lang. Ang ganda ng ngiti niya- ha ano? "Araaay!" Sigaw ko ng bigla nalang kagatin ni Schoutsen ang kamay ko.
"Ang kapal ng mukha mong kagatin ako!" Inis kong sigaw sakaniya.
"Type mo lang si Yukie eh!" Pang-aasar pa niya at tumakbo palabas.
Hindi ko nalang siya pinansin. Hindi narin ako nakatingin kay Yukie. Hindi ko siya type, as in hindi talaga promise.
--
hi! Nagbabalik. <333 typos ahead.
YOU ARE READING
Ang Binibini Ng Finley University
Hayran KurguShe loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the only girl? (Ps. There's a lot of errors na hindi ko na alam kung saan chapter iyon, like 'yong sectio...