19

785 50 1
                                        

Maxwell's POV

Thursday. At hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako pumasok ngayong araw dahil pinag-absent na ako mismo ni Tito. Nalaman din nila ang nangyari saakin mabuti na lamang ay wala na si Kuya ng mga oras na 'yon.

Akala ko papagalitan ako ni tito at tanungin ako ng tatanungin kung anong ginawa kong kalokohan pero hindi, pinagpahinga ako ni tito kahit ayaw ko magpahinga dahil hindi uso saakin 'yun.

Pasimple akong lumabas ng bahay dahil inutosh ni tito sa mga kasambahay nila na huwag akong palabasin at manatili sa kwarto ko para mamahinga. Pero dahil dakila akong pasaway hindi ko sinunod ang utos niya.

Nandidito ako ngayon sa grocery, okay tama sa grocery kung saan kami nagkita noon ni Yukie. Hoy! Hindi ako nagbabasakali na nandito siya ah, panigurado na pumasok 'yon o baka nasa hospital parin at namamahinga.

Naupo ako sa upuang nasa loob ng grocery at inilapag ang tray na kung saan mayroong iilang pagkain doon na binili ko.

"That's look delicious. Can I have some?" Tanong ng taong nasa harap ko habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain.

"Edi bumili ka kung gu---." Hindi ko na naituloy ng makita ko ang mukha ng taong iyon.

"Yukie?" Patanong kong banggit sa pangalan niya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa sakaniya.

"Why? Am I not allowed here?" Tanong niya na ikinabigla ko. Hindi sa masamang nandito siya, pero naka uniform siya kaya anong ginagawa niya dito?

Napaturo ako sa uniform niya kaya napatingin rin siya doon. "Nagcutting kaba?" Tanong ko na ikinalaki ng mga mata siya kasabay ang pag-iling.

"No, of course not. Haha. Hindi pa ako nakakarating sa school kanina, then naisipan kong h'wag nang pumasok."

"Bakit?"

Natagalan siya bago makasagot. "It's still hurts." Sagot niya na ikinakunot noo ko.

Napatingin ako ng maigi sa mukha niya at doon lang napansin na may nga pasa sa mukha niya. Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinawakan ang mukha niya para tignan kung gaano kadami ang pasa, at halatang nagulat siya sa ginawa kk. "Anong nagyari diyan? Kailan pa 'yan?" Tanong ko.

Tumingin ako sa mga mata niya at ganoon rin siya na nakatingin sa mga mata ko. Nang medyo napansing kong napatagal ay bigla kong tinanggal ang kamay ko sa mukha niya at bumalik sa pagkakaupo ko.

Pasimple akong napalunok kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. "M-Maxwell..." Tawag niya saakin at kaagad naman akong napatingin.

"Ha? Gusto mo ba? Sige sa'yo na." Mabilis kong sabi sabay lapit sakaniya nung tray.

Sumilaw ang ngiti sa kaniyang mukha dahilan para mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Tama ba 'tong nararamdaman ko? Kaba ba 'to, kahihiyan o 'yun na 'yon mismo? Hindi ko alam. Aish, ang ganda ng ngiti niya. Crush ko na ba siya nito? No, ang corny mong pakinggan Maxwell.

Napangiti rin ako sa mga oras na 'yun. Na nawala rin kaagad ng pisilin niya ang pisngi ko. "How about you? Bakit ka kase biglang nahimatay sa harap ko pa mismo?" Tanong niya na ikinataka ko.

"Sa...harap mo?"

"Yes, but not exactly sa harap ko talaga. You're looking at me that time then you suddenly lose consciousness." Sagot ni Yukie na mas lalo ko pang ikinataka.

Hindi ko talaga maalala ang nangyari saakin bago ako magising sa hospital. Pinilit kong alalahanin kagabi 'yun pero sakit kang ang ulo ang napala ko.

Ang Binibini Ng Finley UniversityStories to obsess over. Discover now