Maxwell's POV
Mag-gagabi narin bago hinatid ni kalendaryo ang mga kaibigan n'ya sa kani-kanilang bahay. Ngayon, nasa kwarto ako at nakahiga. Wala akong magawa kaya naisipan kong magbukas ng Instagram, nagbabakasali lang na nag message ulit s'ya saakin.
"Aaaah." Pabulong kong saad habang iniikot ikot ang aking daliri. Kung saan sana tumapat ang daliri ko ay ayong app ang sunod kong pagtritrip-an.
Tumapat sa text messages kaya ayon ang in-open ko. "Walang kwenta." Saad ko saaking sarili ng makita ang sunod-sunod na text ni Casper, ni-ignore ko s'ya kaya natambak ang text messages n'ya na wala namang kwenta. Pangalawang text ay galing kay kalendaryo pero 'di ko sinubukang basahin or i-open.
"Sino ka ba?" Tanong ko sa aking sarili habang binabasa ang sumunod na text na 'di ko kilala kung sino. Three months ago na ang text n'ya. Ayun 'yung nasa ospital si Yukie at ganoon rin ako sa 'di ko alam na dahilan, pero ang tagal narin pala ng nangyari 'yon.
Hindi ko masabi kung nakilala ko na ba s'ya or stalker dahil alam n'ya ang mga nangyayari saakin. "Maxie..." Basa ko sa last message n'ya.
Isa lang ang sigurado akong tumatawag saakin no'n noong mga bata pa lamang kami, si kuya. Kaso imposible din na si kuya 'to dahil sabi ko nga noon, kung si kuya 'to una palang ay nagpakilala na s'ya.
In-off ko ang phone ko. Bigla akong napabangon nang may marinig na tunog na mula sa phone ko kaya kaagad ulit in-open, napangiti ako na galing sa ig ang notification.
Akala ko s'ya ang nagmessage pero ibang name. Naka ibang language ang name, alien language ata 'to. Black lang ang profile, chineck ko rin pero walang photos pero umabot ng 276k ang followers. In-open ko parin ang message kahit 'di ako sigurado kung sino 'to.
Kaagad na naningkit ang mga mata ko ng mabasa ko ang message. Dinelete ko ang message na 'yon, pero ilang seconds lang ang lumipas ay muli na naman s'yang nag message. "Aish! Wala ka ba talagang ibang magawa ah?!" Inis kong tanong at tinurn-off ang phone ko.
Kinabukasan. "Hey Maxwell." Dinig kong tawag saakin, sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero dahil sa sobrang antok pa ako ay aninag lang ng tao ang tangi kong nakita. "Wake up!" Sigaw n'ya sabay bukas ng bintana dahilan para tumama lahat saakin ang sinag nang araw kaya kaagad akong napabangon.
Tinignan ko s'ya ng masama. "Natutulog pa e'! Ano ba kailangan mo? Tsaka nakalock pinto, paano ka nakapasok?" Inis kong tanong kay kalendaryo.
"Just go to the bathroom and don't ask too many questions." Sagot n'ya.
"Ano gagawin ko sa banyo?" Tanong ko pa, kakagising ko lang papapuntahin na akong banyo.
"Edi maligo. Kanina ka pa inaantay ni Dad sa baba." Sagot n'ya.
Nang matanggal ko na ang muta ko sa mata ay nakita ko na nang malinaw si kalendaryo habang nakasuot ng formal suit tapos mayroon din s'yang suot na toxido. Wow, ngayon ko lang s'ya nakitang nagsuot ng gan'yan na damit. Mukha s'yang businessman na nalugi.
"Saan ba pupunta?" Tanong ko pa habang nag-uunat.
"I told you to stop asking too many questions, stupid. Just take a bath and waer this." Saad n'ya na halatang inis na inis na saakin.
Inilagay n'ya sa higaan ko ang isang paper bag at kaagad nang umalis sa kwarto ko. Tinignan ko ang laman no'n, at nang-laki na lamang ang mga mata ko ng may makitang dress na color pink. Pagsusuotin nila ako ng dress?
Napailing-iling na lamang ako habang nakatingin sa hawak kong dress. Nakita ko rin na may sandals sa pinaka ilalim ng paper bag.
"The dress look so fine." Sabi ni tito ng makita n'ya na ako pababa ng hagdan.
"Bagal mo kumilos, malate pa tayo because of you." Komento naman ni kalendaryo kaya tinignan ko s'ya ng masama.
Malay ko bang aalis kayo, at kasama pa ako. "Enough for that, let's go." Ani tito, sumunod nalang kami nitong baliw kong pinsan.
Habang naglalakad ay nakahawak ako sa magkabilang dulo ng dress na suot ko dahil napaka uncomfortable. Nakasakay si kalendaryo sa passenger seat at solo ko lang ang backseat kaya p'wede ko gawin lahat ng gusto kong gawin, kahit humiga pa. Joke lang, edi nakagalitan na ako ni tito at kalendaryo no'n.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko, halos mag-iisang oras na kaming nasa byahe kaya bored na bored na ako. Wala pa man ding pagkain, sana pala ay nag-almusal muna ako bago naligo. "Bakit kailangang pang naka dress ako?" Tanong ko pa pero wala paring sumasagot sa mag-tatay.
Nag-unat ako at akmang hihiga na sana ng bigla silang tumingin saakin. "Maxwell!" Parehas nilang sigaw saakin. Natawa nalang ako sa aking isipan dahil sabi na nga ba ay papansinin nila ako kapag ginawa 'yon.
Inayos ko na ang aking upo at nginitian sila. "Saan nga tayo pupunta?" Pag-uulit ko sa aking tanong.
"I told you, stop asking too many questions." Sagot ni kalendaryo na ngayon ay diretso lang ang tingin sa kalsadang dinadaan ng kotseng sinasakyan namin.
Sinandal ko ang likod ko at nag cross-arm. "Edi sana 'di n'yo na ko sinama." Pabulong kong saad.
"If it is only possible, and here take this." May binigay si tito saaking maliit na color white na envelope.
Kinuha ko iyon at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang laman noon, as in nanlaki talaga. Dahil hindi ko alam, hindi ko alam na ngayon ay, "Aberis' 17th birthday?!" Hindi ko makapaniwalang tanong, nakita ko ang pagtango nila.
Nagsimula akong kabahan, feeling ko ay napaka walang kwenta kong kaibigan sakan'ya dahil 'di ko manlang na birthday n'ya pala ang pupuntahan namin at pinaka malala ay hindi ko alam na birthday n'ya.
Pero kasalanan ba 'yon? Siyempre oo, Maxwell. Kasalanan na hindi mo alam ang birthday ng kaibigan mo, hays. Wala akong maalala na sinabi n'ya saakin ang date ng birthday n'ya...o, sinabi niya? Aaah hindi ko alam, hindi ko talaga maalala.
"Don't hit your head, that wouldn't help." Saad ni kalendaryo habang nakatingin sa salamin kung saan ay nakikita n'ya ang reflection ko habang tinatamaan ang aking sariling ulo.
// errors ahead, lame, slow ud's. o((*^▽^*))o
YOU ARE READING
Ang Binibini Ng Finley University
FanficShe loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the only girl? (Ps. There's a lot of errors na hindi ko na alam kung saan chapter iyon, like 'yong sectio...