Maxwell's POV
Napatigil siya sakaniyang pagtawa ng mapatingin siya sa mukha ko. "Teka? Seryoso ka? Hindi mo talaga 'ko kilala?" Tanong niya pa ulit.
"Hindi naman ako mag-o-oo kanina kung kilala kita 'di ba?" Tanong ko sakaniya.
"1 month na tayong mag-classmate pero hindi mo 'ko kilala? Maski name ko?"
Napatango ako bigla, kaya pala feeling ko pamilyar siya saakin. "Pft hahaha. Astros Kinimi, tandaan mo 'yan ha?"
"Required bang tandaan mga pangalan n'yo?" Wala sa sarili kong tanong sakaniya. Sa loob ng isang buwan na 'yon, si Aber, Denden lang talaga ang madalas kong makausap. Actually nakakausap ko naman ang iba, nagpakilala rin sila saakin sadyang nalilimutan kolang kaagad kinabukasan.
Hindi na ako nagtaka, dahil sa previous school ko rin ay ganoon. Pero noong nagtagal naalala ko na mga name nila, madalas ba naman nila 'kong guluhin at awayin, malilimutan ko pa ang mga name nila? Pero hindi talaga ko nagtatagal sa mga naging school ko noon. Palagi nalang akong may nakakaaway na mostly mga babae, inggit na inggit sa kagandahan ko.
"Syempre! Wala kang saysay kung hindi mo kilala nga classmates mo." Sabi niya na ikinakunot noo ko.
"Wala rin naman kayong saysay bakit ko pa kailangan tandaan?" Pabirong tanong ko sakaniya.
Ilang sigundo siyang natahimik. Na offend ko ba siya? Pero totoo naman ha lalo na 'yung Casper na 'yon. "Ah sige balik na 'ko sa room." Paalam niya.
"Sunod ako sayo Astros." Ani ko naman at napahinto siya. Tumingin siya saakin at ngumiti ng ilang sigundo pagkatapos ay tinuloy niya na ang paglalakad.
Pero may point siya. Pero kailangan ba talaga? Ano mang oras pwede na ako malayo sakanila. Ilang minuto ang lumipas ay naisipan ko nang bumalik ng room. "Maxwell! Good morning!" Bungad saakin ni Aber at ngumiti na nakalabas ang mga ngipin, hindi ko nagawang ngumiti pabalik.
Nawala kaagad ang ngiti niya. "Iniisip mo pa rin ba 'yon? Nadepress kaba? Hayaan mo na 'yon, baka mamatay kapa dahil sa kakaisip sa scandal niyo ni Casper." Pabirong niyang sabi.
Gusto ko siyang sigawan tulad ng dati kong ginagawa sakaniya. Pero mas mabuti na na maging mabait na 'ko sakniya dahil sa susunod na mga araw, wala ng Aberis na palaging nag go-goodmorning saakin kahit na bad mood ako.
"Ayos lang ako, nabura naman na eh." Saad ko.
Napatango siya. "Ah." May kinuha siya sa bulsa niya. Akala ko pa naman kung ano kundi cellphone lang. May pinagpipindot siya tapos pinakita saakin. Nanlaki ang mga mata ko sabay agaw sakaniya ng phone niya. "Ano 'to?! Hindi ba nabura na 'to?! Bakit meron ka pa?!" Sunod-sunod kong tanong sakaniya.
"Hehe alam ko kaseng buburahin kaya sinave ko na. Ang ganda kayang ulit-ulitin." Sagot niya sabay kuha saakin ng phone niya.
'Yung video, nasave niya. "Burahin mo 'yan, Aberis James!" Sigaw ko pero tumakbo siya palabas, gusto ko sana siyang habulin kaso napahinto ako sa tapat ng pinto ng dumaan si Casper.
"Morning Love." Saad nito. Hindi ako makatingin sa mukha niya, paniguradong maiinis lang ako.
"Huwag mo 'kong tawaging Love, hindi kita boyfriend at lalong hindi mo ako girlfriend." Saad ko naman.
"Then let's get married instead."
Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay napatingin ako bigla sakaniya. "Loko." Komento ko at nilampasan siya.
Walang pumasok sa isip ko kung saan pwepwedeng pumunta si Aber. Kaya once na mahanap ko siya buburahin ko na kaagad ang video sa phone niya.
"MAXWELL GARCIA!" Sigaw sa pangalan ko. Inilibot ko ang aking mata pero nabigo akong nahapin ang sumigaw. "Bulaga!" Sigaw nun mula sa aking likuran pero hindi naman talaga ko sa nagulat.
Nagtaas ako ng kilay ng mamukhaan ko siya. "Sulcie? Oo nga gagi ikaw nga 'yon! Kamusta panga mo?" Sarkastiko kong tanong.
"You still remember that huh? It's Soulxey and not Sulcie, (Sulsi) get it?" Tanong niya, napatango-tango ako.
"Parehas lang din naman, dami pang reklamo." Halos pabulong kong sabi.
Nakita ko at pagtaas ng isa niyang kilay. "May sinabi ka?" Tanong nito kaya natawa nalang ako sa aking isipan at tsaka umiling.
"Btw, did you received my gift? Tanong niya na ikinataka ko.
"Gift? Pinagsasabi mo?" Tanong ko naman.
"That freaking bstard kid." Pabulong niyang sabi pero narinig ko parin.
Bigla kong naalala 'yung kanina. "Teka, ikaw 'yung nagbigay nung plastic na may box na laman?" Takang tanong ko.
"Exactly!" Pasigaw niyang sagot at ngumiti na halata namang pilit.
"Pero teka, bakit mo binigay? Tsaka anong kakailanganin ko mamaya?" Tanong ko pa.
Napakamot siya sa kaniyang ulunan. "Don't tell me na hindi mo binuksan?"
Napakurap ako ng dalawang beses. "Mahalaga ba 'yun? Hindi naman ata tsaka ko nalang tignan." Saad ko.
Alam ko may sasabihin pa siya pero mas minabuti ko nalang na bilisan ang paglalakad. Ewan ko ba sa lalaking 'yon kung ano pumasok sa isip na bigyan ako ng box. Baka naman sapatos ang laman? Whoa! Mukhang box naman ng sapatos ng tignan ko kaninang umaga eh.
Pero mas mahalaga kung nasaan si Aber. "Maxwell." Napatingin ako sa tumawag saakin, akala ko kung sino na naman na walang kwenta pero kusa akong napangiti ng si Yukie ang tumawag saakin.
"What are you doing here? At this hour?" Tanong niya.
"Si ano kase, si Aber---Aberis."
"What's with him?" Kaagad na tanong niya.
Napanguso ako, bahagya akong lumapit at tumingkayad para maabot ko siya. "Sinave ni Aber yung video na naka post sa page ng F.U., 'yung ayon." Bulong ko sakaniya.
Pero tinawanan lang ako ng loko. "'Di mo ba pinagkakatiwalaan si Aberis?" Nagulat ako sa tanong niya.
"Hindi naman sa ganoon, pero argh nakakahiya 'yun!"
"You and Aberis were friend, so trust him. Ibang-iba si Aberis sa ibang tao. 'Di niya ipopost 'yun o kung ano man ang nasa isip mo." Sabi niya na ikinangiti ko.
"Buti kapa ang bait, samantalang si Casper." Sabi ko sabay napangiwi.
"He's lucky to have you Maxwell." Saad niya, hindi kaagad ako nakapagsalita. He's lucky to have me? Pft! Akala ba talaga nila may kami? Mukha bang merong kami huh? Ano ba Yukie mas type pa kita kaysa sa Casper na 'yan.
//Erros ahead. slow updates.
YOU ARE READING
Ang Binibini Ng Finley University
FanfictionShe loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the only girl? (Ps. There's a lot of errors na hindi ko na alam kung saan chapter iyon, like 'yong sectio...