Maxwell's POV
Nagsasalitan lang kaming tatlo ng tingin. Nasa sala kaming lahat at kumakain pero hindi naman ako makakain ng maayos dahil sa mga tingin nila na para bang may ginaw na naman akong masama.
"Maxwell." Pagbasag ni tito sa katahimikan, hindi ako sumagot kundi nagtaas lang ng kilay. "Nai-ayos ko na ang lahat. By next week pwede kanang lumipat sa room 139."
"What?!" Pasigaw na tanong ni kalendaryo. "Dad! 75 grades n'yan tapos sa section ko pa mismo?" Reklamo ni kalendaryo.
Tinignan ko siya ng masama. Parang hindi pinsan ha. Nakaka 80 grades kaya ako! Sa esp. "Naayos muna kaagad? Bakit ang bilis." Buntong hininga kong sabi.
"Why? Hindi ba mas maganda kung mas maaga?" Tanong ni tito.
Napakagat nalang ako sa aking ibabang labi. Hindi ko pa nga kabisado mga pangalan nila tapos... "Fine. Payag na ako." Bigla akong napatingin kay kalendaryo.
"Teka seryoso ka?" Buong taka kong tanong.
"Yes and don't ask me again." Sagot niya na halatang irita saakin.
Kinabukasan. Maaga akong pumasok. Hindi ako sumabay kay kalendaryo dahil naglakad lang ako, hindi sa meron akong kasabay feel ko lang talaga maglakad namiss ako ng highway.
"Want some?" Naupo siya sa tabi ko sabay abot ng crackers.
"Thank you Astros." Sabi ko.
Napakunot noo nalang ako sa reaksyon niya ngayon, para kaseng bata kung makangiti. Mayamaya may kinuha siya sa bulsa niya at binigay niya 'yon saakin. "Ano 'to?"
"I'm trying to help you. Kase alam mo kakaiba ka..." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Oo alam kong kakaiba ako, ako lang 'to si Maxwell na napakaganda. "...Ikaw lang 'yung taong may oone month na kasama classmates pero hindi manlang alam mga pangalan."
Kaagad na nagbago ang reaksyon ng mukha ko. Tss. Kasalanan ko bang hindi ko talaga makabisado? Pero bakit nga ba? Hindi ko rin talaga alam kung bakit hindi.
Tumayo siya, sinundan ko ang paglalakad niya hanggang sa mapunta ang atensyon ko kay Schoutsen. Sakto naman na napatingin rin siya saakin at nagkasalubong ang nga mata namin. Bigla akong napaiwas at napailing ng makaramdam ako ng kung anong kaba.
Napatingin ako sa ibinigay ni Astros at binuklat iyon. Narealize ko na class picture pala nila 'to. Printed ang picture kaya may pagkamalaki tapos may mga name din ng bawat isa sakanila. Kilala ko ang mga mukha nila, sadyang hindi ko lang ata napagtuunan ng pansin ang mga pangalan. Madalas ko rin naman nakakausap ang iba sakanila.
"Hi Maxwell."
"Oh h-hi..." Patago akong tumingin sa picture at hinanap ang mukha niya. "Ca---Calyx? Hi Calyx." Sunod ko.
Bahagya akong napayuko dahil sa kahihiyan. "Teka ano 'yan?" Tanong niya, tinutukoy niya 'yung picture kaya kaagad kong itinago sa aking bag.
"W-Wala." Mukhang naniwala naman siya.
"By the way, may time ka ba mamaya? Birthday ni Xeqe (zik) sumama ka saamin." Banggit niya.
"Hindi ba parang nakakahiya 'yon? Nag-iisa akong babae?" Tanong ko dito.
YOU ARE READING
Ang Binibini Ng Finley University
FanfictionShe loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the only girl? (Ps. There's a lot of errors na hindi ko na alam kung saan chapter iyon, like 'yong sectio...
