06

1.3K 59 0
                                        

MAX's POV

"Oo, uuwi na nang maaga." Inis kong sabi.

Yawa naman kase, sana kung hindi nila tinali yung bag ko sa upuan edi maaga akong naka-uwi tapos ngayon ako pa may kasalanan.

Buti nalang may nakasalubong akong lalaking umiiyak tapos may dalang blade. Balak atang maglaslas buti nalang naencourage ko sya na wag ituloy at ako nalang ang maglalaslas sakanya.

Just kidding.

Ayun nga binigay saken kaya ko naputol yung tali. Kaso the end, yari parin.

"Hoi bagal mo!" Reklamo ni kalendaryo.

Pero imbis na bilisan ko mas binagalan ko pa. Ehe tatatatararat. "Ano?! Hindi mo ba talaga bibilisan?!" Inis nyang tanong, naiimagine ko nalang si kalendaryo na umuusok ang ilong tsaka tenga tapos dagdagan narin naten ng sungay tsaka buntot.

Perfect! mukha syang demonyong kalendaryo. Pft.

"Hindi mo ba talaga bibilisan? Sige tatawagan ko kuya mo." Banta nya at akmang ilalabas ang cellphone nya.

Hmm? Isumbong ako kay kuya o bilisan?

Okayed bilisan nalang!

"Tss."

Naupo ako sa tabi ni kalendaryo, bahagya akong napayuko ng may makitang kong pictures na kalat sa ibaba.

Pero bago ko payon makita kaagad nyang hinawi. Edi waw, damot mo-;-

"Hindi kita masusundo mamaya."

"Aba pinsan bawal yon!" Sigaw ko.

"Pwede tanga."

"Aba tanga karen!"

"Tss. Basta hindi kita masusundo mamaya."

"Edi hindi." Inis kong sabi.

Nakarating kaming school na walang imikan. Galit ako, galit din sya. Same vibes🤙

Saktong pagbaba ko ng maabutan ko si Casper tas may apat pa syang kasama isa nadon si Aber. Ang lype ay naman parang buhay.

Bat ganto nalang lagi, Lord? Puro kamalasan ang dumadating sa buhay ko? Huhuhu. Iyaq aq.

"Max lemon flavored!" (Tama ba 'to?) Sigaw ni aber.

Jusq aber! jusq pakeo grr.

Lumapit si aber saken habang nakasunod naman sila Casper. Tatakbo na sana ko kaso hindi kona nagawa.

"Good morning!" Bati ni aber habang nakangiti ng malawak.

Hindi naman ako nakasagot ng bigla nilapit ni Casper ang mukha nya sa mukha ko, ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa tenga ko.

Lord, kunin nyo nako place. Inilibot ko ang mata ko. Halos lahat sila nasa amin ang atensyon. Kalendaryo nasan kana ba? Paki-save naman ako oh.

Muli akong napatingin kay Casper. Nays naol brown na brown mata, pwede palit? Ang haba rin ng pilik mata, tas ang pinky ng lips nya.

Ma tanong lang, sino ba sa atin ang babae?

Mas mukha pa syang babae saken. Alagang gluta kaya to? Try ko kaya mag-gluta para maging kasing puti ko sya, alagang safeguard lang kase ako eh.

Ang Binibini Ng Finley UniversityStories to obsess over. Discover now