34

439 28 1
                                    

Maxwell's POV

Kaagad kaming nakauwi ng bahay dahil walang mas'yadong traffic, habang nasa kotse nga kanina ay naisip ko nalang magtulog-tulugan para sana 'di na ako kausapin ni Casper pero habang ginagawa ko 'yon ay napapansin ko ang madalas na pagtingin n'ya kay kalendaryo.

"Our date tomorrow, don't forget." Sabi niya habang ng ngiti ay halatang nang-iinis.

"Oo, bahala ka."  Saad ko dahil iyon naman ang naging kasunduan namin para isabay rin sa pag-uwi namin si kalendaryo.

Hinawakan n'ya ang magkabila kong balikat at hinarap sakan'ya na ikinabigla ko. Napakurap-kurap nalang ako ng ilang beses habang nakatingin sa mukha n'yang nakangiti.

Ilang sigundong pagtitinginan namin ay bigla n'ya nalang kiniss ang noo ko. Kaagad ko s'yang naitulak palayo saakin dahil sa gulat at inilipat kaagad ang aking tingin. "Tss. Umuwi kana." Aniko.

"See you tomorrow." Saad n'ya habang may malapad na ngiti sa labi.

Tumango na kagad ako para umalis na s'ya. Ilang minuto ang lumipas ay tsaka ko nalang na realize na inaya rin ako ni Yukie na magpunta sa fiesta kasama ang iba.

Naitaas ko na lamang ang aking balikat kasabay ang pagiling. "Bahala na si batman, puwede ko namang takasan ang date 'kuno' niya at hanapin si Yukie pagkatapos." Bulong ko saaking sarili.

Huminga na lamang ako nang malalim bago pumasok ng bahay. Habang naglalakad, na isip ko nalang bigla na baka naman ay kasama lang din ni Casper si Yukie at iba bukas, kung ganoon ay wala na akong proproblemahin kung sino ang sasamahan ko, dahil puwede namang lahat sila ay makabonding ko bukas.

Napabilis na lamang ang aking paglalakad nang aking maalala si kalendaryo, wala nga pala si tito dahil nasa party pa siya, at wala rin lahat ng kasambahay ni tito at ngayong day ang pamimili nila sa grocery habang ang iba ay naka day off, kaya ayon, ang point ko ay mag-isa lang si kalendaryo sa loob.

Naabutan ko s'yang nakahawak sakan'ya ulo habang pawis na pawis kahit na malakas ang aircon at naka number 3 ang nakatapat na electric fan sakaniya, kahit kasi naka aircon na lahat-lahat ay pinagpapawisan parin siya kaya ayon nalang ang naisip ko hehe.

"Hoy? Ayos kalang? Anong masakit sa'yo?" Nag-aalala kong tanong.

Tinignan n'ya ako nang masama. "Of course I'm not. My head hurts so much, can't you see? " Sagot niya habang halaga ang irita sa kaniyang reaksyon.

Biglang nawala ang pag-aalala ko, wala ata akong karapatan na mag-alala sakaniya kahit na kaunti, pero napanatag ang loob ko dahil sure ako na si kalendaryo na nga talagang 'tong kaharap ko.

Bigla s'yang tumayo. Magsisimula na sana siyang maglakad nang pigilan ko siya. "Hindi ba masakit ang ulo mo? Tapos maglalakad ka? Paano kung mas lalong sumakit 'yan ah?" Sunod-sunod na aking tanong at oo, hindi ko parin talaga maiwasang hindi mag-alala sakaniya. 

"Even if I pass out, it is none of your business."

Automatiko akong napabitaw sa braso niyang hawak ko. Ibang-iba s'ya kanina. Ibang-iba. Napasandal ako sa couch at napabuga ng hininga.

Parang feeling ko ay puno ako ng sama ng loob, idagdag pa na hindi ko nabati si Aber bago kami umuwi ng bahay. "Okay lang 'yan, makikita mo naman s'ya bukas." Bulong ko saaking sarili. Tanggap parin naman ata niya ang belated happy birthday, bibilhan ko nalang siya ng kung ano ang gusto niya sa fiesta bukas, may pera pa naman ako kahit papaano.

Umakyat narin ako sa aking kwarto at nagshower, pagkatapos ay nag suot na ako ng t-shirt at jogging pants. Habang nag-iisip nang malalim ay may box nalang na nakakuha ng atensyon ko.

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now