MAX's POV
"Na-late ka ng pasok, tama ba ko?" Tanong ni Tito.
Bahagya akong yumuko. "Ah-Eh-Ih-Oh-Uh..." Tumingin ako sa sahig, hala andumi!
"Bakit ka na-late?" Tanong na naman nya.
Kase naman Max eh! Bakit nga ba na-late ka?
At tsaka paano nalaman ni Tito na na-late ka?
Buong taka akong tumingin kay Tito. "Paano mo na---."
"Wag ka ng magtanong, hindi na mahalaga kung paano ko nalaman."
Bigla nalang dumaan sa gitna namin si kalendaryo habang dala-dala nya ang sandamak-mak na pancakes.
Talap! Talap!
"Augustus." Tawag ni Tito sakanya.
"Yes dad?" Tanong nya sabay lapag ng pancakes sa lamesa.
"Lumapit ka dito." Utos ni Tito, lumapit naman kaagad si kalendaryo.
"Simula bukas..." Anong meron bukas? "...Kayong dalawa..." Kaming dalawa? KAMING DALAWA mag-pinsan, magka-away. Forever enemies paksh!t! "Simula bukas, kayong dalawa..." Medyo nakakabagot na ah! Pabitin si Tito eh.
"Come on dad, get to the point."
"Lagi na kayong magkasabay. Ibibigay ko na ang wish mong kotse kaya hatid-sundo mo na ang pinsan mo."
No! No! NO WAY!
"Dad? Are you kidding me?"
"Tito naka-shabu ka ba?" Sabay na tanong namin ni kalendaryo.
"First of all, hindi kita binibiro son. And second of all, hindi kaya ko nag-shashabu, dzuh." Hala sya! AtItOd si Tito.
Dzuh!
"Oh sya! Magsi-tulog na kayo, at maaga pa ang pasok nyong dalawa."
Sana binabangungot lang ako...
Kinabukasan
Nandito na kaming dalawa ni kalendaryo sa dream car nya. "Itaas mo nga yang paa mo! Madumihan tong car ko eh." Reklamo ni kalendaryo.
Rereklamo pa eh ampangit naman!
"Ang kulit ah! Sabing ita---." Hindi nya na naituloy ang reklamo nya sakin ng bigla nalang sumulpot si Tito.
"Nag-aaway ba kayo?" Tanong ni Tito.
Hindi ba obvious?
Bahagya akong lumapit kay kalendaryo. "Hindi Tito, happy nga kami eh. May car na sya, hatid-sundo nya na ang pinaka maganda nyang pinsan, hehe."
"Good, by the way I need to go. Mag-ingat kayo." Ngumiti pa sya bago sumakay sa kotse nya.
Bigla nalang along tinulak ni kalendaryo palayo sakanya. "Yuck! Eww. Get away from me, virus!"
Napangiwi nalang ako. "Virus ako? Ikaw naman bacteria! Yuck! Eww sa tingin mo ba gusto kong lumapit sayo at tabihan ka ng ganito?" Tanong ko sakanya.
"Ang daldal mo."
Hindi ko na sya binara. Sinimulan nya nalang mag-drive. Hindi ko alam kung sinasadya ba nya o hindi, bibilisan nya tapos kapag nag-red light bigla-bigla nalang ihihinto. Like wadapak? Buti nalang naka-seat belt ako, kung hindi kanina pa duguan tong mukha ko.
YOU ARE READING
Ang Binibini Ng Finley University
FanfictionShe loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the only girl? (Ps. There's a lot of errors na hindi ko na alam kung saan chapter iyon, like 'yong sectio...