27

565 36 1
                                    

Maxwell's POV

Pansin ko pagmamadali ni kalendaryo sa pagd-drive, pwede na namang sabihin na gusto n'ya ng mawala mundo sabihin n'ya na, kase ako gusto ko pang maabutan ang pagsakop ng mga alien sa mundo.

Pagkarating naming bahay ay nagmadali rin s'ya sa pagpasok at tumingin-tingin sa paligid. "Go to your room and don't try to listen in what we'll Dad talk about."

Tinignan ko s'ya ng masama. "Hindi naman ako chismosa 'no!" Sigaw ko sakan'ya at dali-daling umakyat.

Pero sa totoo lang, gusto ko talagang marinig kung anong pag-uusapan nila ni tito, para kaseng napaka importante dahil kanina pa madaling-madali 'yang si kalendaryo. Pero hindi talaga ako chismosa ah!

Kinabukasan. Kung hindi ko pa narinig ang malakas na volume sa t.v na asa ibaba, hindi ko pa malalaman na weekend na pala.

Panigurado ako sa mga oras na 'to ay isa na akong ganap na matalino, yes naman dahil kasama ko ang iilan sa mga matatalino sa school. Charot.

Pababa na sana ako ng marinig ang boses ni tito. "Aice Laurent, that's the student's name." Bumama ako ng isa pang hakbang, may kausap s'ya sa telepono.

Mayamaya ay napatango s'ya. "Let's have a meeting, 2 pm."

Bigla akong napaayos ng aking pagkakatayo ng mapatingin si tito sa hagdan. Anong meron sa lalaking 'yon? "Goodmorning, Max." Bati ni tito, napangiti lang ako.

Palabas na sana ako ng marinig ko s'yang nagsalita kaya naman napatingin muli ako kay tito. "It's too early, where are you going?" Tanong ni tito.

Napatanong rin ako sa aking sarili, saan nga ba ako pupunta? Basta gusto ko lang mag-layas. "Kahit saan hehe. Babalik din kaagad ako." Sagot ko, tumango lang si tito kaya nagpatuloy nalang ako sa aking paglalakad palabas.

Dumaan ako sa grocery, hindi para bumili kundi para may tignan na taong sa tingin ko ay makikita ko doon. Pero wala namang ibang tao kundi ang cashier at 'yung guard.

Balak ko na sanang umalis para bumalik na, ng hindi ko na nagawa ng makita ko 'di kalayuan ang pamilyar na tangkad, shape ng mukha, style ng buhok at ganoon din ang kulay ng balat.

Napapikit nalang ako ng lampasan n'ya lang ako. Tinignan ko s'ya ng masama. "Hoy Casper!" Sigaw ko sakan'ya.

Napalingon s'ya pero nasa malayo ang tingin. Lumapit ako sakan'ya at kinaltukan s'ya ng malakas. "Ouch! Who the h---." Napahawak s'ya sa kan'yang ulo ng muli ko s'yang batukan.

"Oh, ikaw pala Love, bakit tumangkad ka? I almost didn't recognize you."

Napangiwi ako, dahil sa tinawag n'ya na naman akong love at mas lalong dahil sa sinabi n'yang bakit ako tumangkad. Hindi ko ba deserve na tumangkad ha? Atsaka matangkad naman talaga ako!

"What's with your face?" Tanong n'ya, kaagad akong napailing at hindi na s'ya pinansin.

"Hey, wait!" Sigaw n'ya, wala akong balak huminto pero dahil hinawakan n'ya ang braso ko bago pa man ako makatawid ay wala na rin akong nagawa.

Hinarap ko s'ya at tinignan s'ya ng nakakairita. "Ano na naman bang trip mo?" Tanong ko rito.

"Yukie." Saad n'ya na ikinakunot noo ako, anong kinalaman ni Yukie dito? "Do you like him?"

Napahinto ako doon at ilang sigundo ring hindi nakagalaw. Para bang napa automatic freeze ako sa tanong n'ya. Paano n'ya nalaman? Ah---I mean, hindi 'no. Iba naman ang crush sa gusto.

Mataas ang standard no'n panigurado. Matangkad naman ako, Yukie. "Ah? S-Seryoso? Hindi 'no! Bff kami no'n." Sagot ko.

"Bff?"

Tinasaan ko s'ya ng isang kilay, h'wag n'yang sabihin na 'di n'ya alam ang ibig sabihin ng bff. "Aish! Stop that look, of course I know what bff means." Aniya.

Hala? Nakakabasa ba s'ya ng utak? O sadyang kitang kita lang sa expression ng mukha ko na ganoon ang ibig kong sabihin hehehe.

Ginulo n'ya ang buhok n'ya at pag katapos ay muling tumingin saakin ngunit ngayon ay nakangiti na. "Good to know."

Tinap n'ya ang ulo ko bago s'yang tumawid ng kalsada. Sinundan ko s'ya ng tingin habang naglalakad palayo. Ano bang mayroon sa lalaking 'yon? Hindi ko talaga s'ya maintindihan. Naalala ko pa 'yung araw na pumunta ako sa section 143 para kausapin sila. Ganoon nalang s'ya kagalit at kairita na nakita ako tapos after no'n---ah wala nakalimutan ko na nangyari. Tapos noong inilibre n'ya ako sa milktea shop, hindi ko talaga s'ya maintindihan. Ibinigay n'ya pa saakin ang phone number n'ya — na palihim na kinuha saakin ni kalendaryo at pinunit.

Pagka-uwi ko ng bahay, naabutan kong nasa labas si kalendaryo pero 'di s'ya nag-iisa. Kasama n'ya si Soulxey at iba pa naming classmate. "Witwit, shaw---." Hindi na natapos ni Soulxey ang sasabihin n'ya ng batukan s'ya ni kalendaryo. Pinigilan kong hindi matawa.

"Stfu, show some respect!" Sigaw ni kalendaryo, wow ano 'yan caring cousin? Nakanguso na lamang ngayon si Soulxey, pero nang makita n'yang nakatingin ako sakan'ya ay kaagad s'yang ngumiti at nag peace sign. "Umakyat ka na doon, at magpalit ka ng suot mo." Dagdag pa ni kalendaryo.

Pa cool talaga 'tong pinsan ko, nagiging caring person kung kailan lang may kasama? Pero kapag kami lang sa bahay, kulang nalang ay kulamin n'ya ako. Pero feeling ko deep inside gusto na talaga ako kulamin ng kumag na 'to. Sige mag kulaman tayo. /evil laugh. Joke.

Pumasok na lamang ako sa loob hindi dahil sinunod ko ang utos n'ya, s'yempre hindi ako magpapalit ng suot ko, kakapalit ko lang kaya kanina! Ano s'ya gold?

Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong jacket. May notif na galing sa Instagram. Nagtaka naman ako dahil kahit kailan hindi pa ako nagka notification sa ig ko. Ni hindi ko nga rin alam kung paano iyan gamitin, sadyang gumawa lang ako noon dahil sabi nila uso 'yon. Ang cheap ko daw kasing tao, ni isang social media ay wala ako kaya ayun, gumawa ako ig account kahit alam kong wala naman akong magagawa doon.

Clinick ko parin iyon. Naningkit ang mata ko dahil sa nakita ko. '@yuxymcn sent you a message!' Ano bang klaseng username n'yan? At sino naman 'to? In-open ko ko ang message.

"Hey, Max. Can we meet? I want to back your cousin's clothes. I'm sorry for what happened...mmm you know what happened on that day. Can you just keep that as a secret? I will treat you promise! Whatever you want to eat, I'll treat you. hehe."

Ang haba. "I hope you respond."

Habang binabasa ko ang message doon ko na lamang napagkaalaman na si Yukie pala ito. Bakit kasi ganito ang username n'ya? Samantalang ako ay MaxwellFinleyGracia123, kaya madaling mabasa.

Sa sobrang curious ko ay clinick ko ang mismong profile n'ya. "Wow, ang pogi."

"I know."

// errors ahead, lame, slow ud's. :3

Ang Binibini Ng Finley UniversityWhere stories live. Discover now