22

619 41 1
                                        

Aberis' POV

Kusa akong napangiti ng makita ko Max lemon flavored. Gusto ko ulit magpalibre sakaniya, love naman ako kaya papayag 'yun. Tsaka sino ba naman kaseng hindi ako magiging love, e napaka pogi ko.

"Maxwell!" Tawag ko sakaniya ngunit hindi naman niya ako nilingon. Nakailang tawag narin ako sakaniya pero hindi parin talaga siya lumilingon ngunit nanatili parin ang ngiti ko.

Baka hindi lang naglinis ng tainga kaya hindi ako marinig kaya naisipan ko na siyang lapitan. "Maxwell! Good morning." Nakangiti kong sabi sakaniya.

Tuluyan nang nawala ang ngiti ko. Nakatingin lang siya saakin, walang reaksyon ang mukha. Samantalang noon, nasa malayo palang ako kita ko na ang ngiti niya sabay ang pagkaway niya saakin.

"Let's go." Dumating ang pinsan niya, ni hindi manlang ako kinausap ni Maxwell at kaagad na sumunod kay Augustus.

Wala narin akong nagawa kundi ang magpunta na sa room, makikita ko rin naman si Maxwell doon.

"Denden!" Sigaw ko sakaniya at niyakap ito ng mahigpit.

"Layo! Bwesit ka!" Reklamo niya, tinawanan ko lang si Denden.

"Where's she?" Tanong ni Casper kaya naman napabitaw na ako sa aking pagkakayakap kay Denden.

"Si Maxwell?" Tanong ni Calyx.

"Is there anyone SHE except for her?" Halata sa mukha ni Casper na irita siya.

"Sabi ko nga." Mahinang sabi ni Calyx.

Pero nasaan nga siya? Bakit hanggang ngayon wala parin siya dito, kanina naman nakita ko siya. Hindi kaya nagcutting?! Hehe hindi siguro hindi papayagan ni Augustus na magcutting si  Maxwell dahil siya ang SSG president.

Dumating si Mr. Dimasalang pero wala parin si Maxwell. "Mr. Dawson."

Nagtaas lang nangkamay si Casper. "Mr. Either."

"Present." Walang kabuhay-buhay na sabi ni Denden.

"Mr. Guerrero."

"PRESENT!" Buong sigla kong saad.

Natapos na lahat-lahat ang attendance ngunit may kulang. "How about Maxwell? Why didn't you call her name?" Tanong ni Yukie.

"Dahil ba absent siya?" Tanong naman ni Locke.

"Nakita ko pa siya kanina ah." Singit ko.

"Si Ms. Garcia? She's no longer your classmate. Hindi n'yo alam?" Tanong ni Mr. Dimasalang na ikinatahimik ko.

Sunod-sunod na ang mga naging bulungan nila hanggang sa lumakas ang mga boses. "Hindi ko narinig. Ano daw?" Tanong ni Denden.

Umiling ako habang nasa malayo ang tingin. "Hindi ko alam."

"SILENT!" Malakas na sigaw ni Casper kasabay ang paghampas niya ng lamesa gamit ang kaniyang kamay na kaagad na ikinatahimik ng lahat.

Napatingin ako Yukie, walang kareak-reaksyon ang mukha niya. "What do you mean mister?"

"She's no longer your classmate. Didn't you hear me Mr. Dawson?" Tanong ni Mr. Dimasalang kay Casper.

Walang ano-ano ay bigla napatawa at naglakad si Casper. Alam na namin ang susunod na mangyayari kaya naman kaagad na napatayo si Zy at Astros para pigilan si Casper sa paglapit kay Mr. Dimasalang.

"You dambass." Mariin na sabi ni Casper rito habang nakaduro kay Mr. Dimasalang. Kung hindi lang siya pinigilan ni Zy at Astros ay paniguradong may pasa na 'tong adviser namin.

"Tsk, tsk tsk. Hindi ba ayon narin naman ang gusto mo sa una palang? Ang mawala ang batang 'yon? Control yourself Casper." Saad nito at lumabas na, pati pala ang homeroom teacher namin ay pansin 'yon.

Napatingin ako kay Casper. Oo nga naman, gustong niyang mawala sa Finley Univ si Maxwell at may dahilan siya. Pero bakit ganiyan nalang siya makaasta ngayon?

P-Pero...Paanong hindi na namin siya classmate? Nakita ko pa siya kanina, at bakit hindi niya manlang sinabi saamin na mawawala siya?

"Bakit ka umiiyak Aberis? Akala ko ba matapang ka ah? H'wag ka ngang umiyak, naiiyal rin ako sa'yo." Saad ni Denden, gusto kong matawa sa sinabi niya pero hindi ko nagawa.

Pinunasan ko ang luha ko pero nagpatuloy parin sa pagpatak. "Akala ko pa naman friends niya na tayo, bakit hindi manlang niya sinabi na aalis siya?" Tanong ko kay Denden habang nakapanguso. Napabuga lang siya ng hininga.

Oras ng lunchtime ay kaagad na akong nagpuntang cafeteria kasama si Khenji para sana makita siya. Panigurado naman ako na pupunta dito 'yon. Hindi naman ako nabigo. Nakangiti kong kinalabit si Khenji. "Ayon siya!" Masaya kong sabi at tinuro si Maxwell.

Nakita niya ako at simpleng ngumiti na kaagad ding nawala ng bigla dumating ang pinsan niya. Ibig sabihin ba nito ay sa section s'ya ni Augustus lumipat? "Mukhang hindi rin natin siya makakausap." Mahinang sabi ni Khenji na ikinatingin ko sakaniya.

Itinuro niya kung nasaang table nandodoon sila Maxwell at ang pinsan niya. "Bawal tayong lumapit kay Augustus."

Huminga ako ng malalim. Bumalik nalang kami sa classroom since wala rin naman kaming mapalala doon. Naabutan namin na nagtitipon tipon sila sa likuran kung saan nakaupo si Casper.

"No matter what happened, we must bring back Maxwell." Sabi ni Casper ng makalapit ako sakanila.

"Hindi na babalik saatin 'yon." Komento si Schout, tinitigan siya ni Casper.

"How did you say so?"

Ngumisi si Schout kay Casper. "Mr. Dimasalang's right, hindi ba una palang gusto mo na siyang paalisin?" Tanong nito kay Casper. "You entered the wrong room." Dagdag pa ni Schout, halos lahat ay pinanlalakihan siya ng mata at sinasabi na huwag na niyang ituloy ang sasabihin niya, paniguradong magkakagyera ngayon.

"Tapos ngayon gusto mo siyang pabalikin? What's gotten into you Casper Ley."

"He's right...Tsaka 'yon naman dapat talaga ang balak natin 'di ba? Na paalisin siya dahil ayaw munang mangyari ang nangyari noon." Sabi ni Denden, naalala ko bigla ang lahat ng plano nila. Isa ako sakanila doon, kaso hindi ko naman alam na mapapalapit ako ng sobra kay Max. "Our plan's works. We should be happy." Tumango ang iba saamin.

Bigla kong naalala at nagsimula na naman akong kabahan ng maalala ang mga pangyayaring 'yon. Tama nga si Schoutsen, tama lang ang nangyari, tama lang na nawala siya. Hindi dapat ako magtampo kay Maxwell dahil lahat ng nangyari ay tama lang.

"But not in this way." Pabulong na sabi ni Casper. "Hindi kasama sa plano natin ang paglipat niya sa section ng pinsan niya."

"What are you fighting for, Casper?" Napatingin nalang kaming lahat kay Yukie ganoon rin si Casper.

"You want her gone. And now that she's gone, you gonna act like you care? At first, naintindihan ko pa kung bakit mo ginagawa ang mga 'yon. Mga bagay na makakapangpahamak sakaniya. But now?" Napailing si Yukie, late na s'ya ng pinagplanuhan 'yon. Pero naintindihan n'ya kaagad, feeling ko tuloy ay may feelings s'ya kay Max.

Tumayo si Casper at nginisihan si Yukie. "Why? Do you like that girl?" Tanong ni Casper.

Halatang nagulat si Yukie sa tanong ni Casper pero hindi halata sa mukha niya. "She's not just a girl, she's a woman." Sagot naman ni Yukie.

"I like her."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko, o tama ba ang narinig ko. Isang malaking katahimikan ang bumalot sa apat na sulok na room namin.

"I like her, for real."

/ Lame, errors ahead, slow update.

Ang Binibini Ng Finley UniversityStories to obsess over. Discover now