Maxwell's POV
"Maxwell? Are you alright?" Tanong n'ya kaya napataas ako ng kilay. "Mas'yado kang tulala. I'm just thinking if there's a problem, is there?" Tanong pa n'ya, kaagad akong napailing.
Napangiti s'ya at bigla nalang kinurot ang pisngi ko, nagulat ako sa ginawang n'yang 'yon. "Do you want to go with us? There's a festival tomorrow, remember?" Tumango ako, may fiesta sa kabilang street bukas, nabanggit saakin 'yon ni tito noong Monday.
"Go with us, after school." Dagdag pa n'ya pero 'di ako maka sagot. Hindi ko alam kung papayagan ba ako.
"Don't worry, Mr. Finley and other officials will be there too, also your cousin. So, come with us okay?"
"Talaga?" Tanong ko.
Natawa s'ya nang sabihin ko 'yon kaya tinignan ko s'ya nang masama. Bigla n'ya nalang tinapik ang noo ko kaya napabitaw ako sa kamay naming magkahawak at inilagay 'yon sa noo ko. "Ouch! Ano ba? Ang sakit ah." Reklamo ko habang tinitignan parin s'ya nang masama pero s'ya naka todo ngiti lang.
"You will come, right? Right?" Tanong n'ya habang kita ako ang saya sakaniyang mga mata.
Hindi kaagad ako nakasagot, kami lang ang nakahinto sa pagsasayaw kaya nakaramdam ako ng kaunting hiya. "Hey?" Napatingin muli ako sakan'ya.
"Yes, oo, sige. Pupunta ako, sure rin naman na pipilitin ako ni tito na sumama sakanila." Sagot ko.
"I guess, see you tomorrow? I just saw your uncle and he's with Augustus. I'm pretty sure there will be a fight if we continue dancing." Saad n'ya na ikinatawa naming dalawa.
Tumango ako. Tinanggal n'ya na ang isa n'yang kamay na nasa aking bewang at tinanggal ko rin ang kamay ko na nasa kaniyang balikat.
Ngumiti s'ya at kumaway nang naglakad na ako paalis, nginitian ko narin naman s'ya bago s'ya mawalan nang tuluyan sa paningin ko.
Napangiti ako nang sobra at napahawak sa aking dibdib. Ngayon nalang ulit nangyari 'to saakin, madalas na kumakabog ang dibdib sa tuwing malalaman ko bigla na isinumbong pala ako ni kalendaryo kay tito pero ibang kabog ng dibdib naman ata iyon, 'di ba?
Mabuti naman ay nakarating ako sa table namin na wala pa sila tito pero nakapagtataka na wala na rito 'yung picture na binigay saakin ng lalaki, sigurado akong inilagay ko 'yon dito bago umalis. Tinignan ko ang ilalim ng table at tumingin rin sa paligid, pero nawala na talaga.
"What are you doing?" Tanong ni kalendaryo habang nakakunot noong nakatingin saakin habang nakaluhod ako dahil sa hinahanap ko.
Kaagad akong tumayo at kunwaring walang narinig. "Nasaan si tito? Heh." Tanong ko sakan'ya.
Naupo s'ya at hinimas himas ang noo n'ya. "May nangyari ba?" Tanong ko habang pinapanood s'yang hinihimas ang kan'yang noo.
Umiling s'ya. "Do you want to go home?" Bigla n'yang tanong na ikinabigla ko. "Let's go home, Maxwell. If you want to." Dagdag pa n'ya.
Nagtaka ako sa sinabi n'ya, may problema ba talaga s'ya? Napatingin ako sa kaninang dinaanan ni kalendaryo at saktuhan na nakita kong naglalakad si tito. Muli akong napatingin kay kalendaryo, mas lalo akong nagtaka dahil bigla nalang parang naging ayos si kalendaryo at 'di tulad na exhausted na exhausted s'ya. Ano bang nangyari kanina?
Pagkaupo ni tito ay bigla namang tumayo si kalendaryo. "We'd like to go home." Saad ni kalendaryo at bigla na lamang hinawakan ang braso ko.
"Eh? Kaagad?" Tanong ko pero mukhang hindi napansin ni kalendaryo ni maski ni tito ang pagkatanong ko no'n.
"Why? Did you two already tired or something happens again?" Tanong ni tito at bigla nalang tumingin saakin.
Wow saakin talaga tumingin ah, ano sa tingin mo saakin laging nakasunod ang gulo? Haha grabe ka tito, parang hindi pamangkin.
YOU ARE READING
Ang Binibini Ng Finley University
FanfictionShe loves fighting, she loves eating but getting mad when someone annoyed her. What will happen if a girl transferred to a school where she was the only girl? (Ps. There's a lot of errors na hindi ko na alam kung saan chapter iyon, like 'yong sectio...
