CHAPTER 25: TRICK OR TREAT

1.4K 74 0
                                    

(WARNING: MATURE CONTENT)

Ice's P.O.V

[NOTE: YOU CAN SKIP THIS IF YOU WANT. NOTHING OF THIS UPDATE CAN CHANGE THE WHOLE STORY. BDSM IS INCLUDED. IF YOU'RE NOT INTO THIS KIND OF EROTIC STORY CATEGORY. PLEASE, PRESS THE BACK BUTTON. READERS DISCRETION IS ADVISED]

"Ano, tinigilan ka na ng loko kong 'insan?"

Lumingon ako kay Caius bago ko inayos ang telepono sa telephone rack. "Oo. Pagsabihan mo nga kasi minsan yang magaling mong pinsan. Baka hiwalayan ko yun ng wala sa oras dahil diyan sa kalibugan niya," sagot ko na ikinatawa lang niya.

Psh. Sabagay. Kahit naman anong sabihin ko rito, hindi naman niya ako pakikinggan. Magkakampi yan eh. Baka mas lalong lang dodoblehin ang kabaliwan ni Laxus kung magsusumbong siya.

"Hay nako~ Natiis mo nga ng ilang taon, ngayon ka pa ba susuko? Ngayong parang nasa 'climax' na ang estado ng relasyon niyo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong climax climax na sinasabi mo diyan?"

"I mean, stable na ang relasyon niyo. Balance kumbaga. Kung lagi ka niyang iniinis, lagi mo rin siyang pinapasensyahan. Wag mong hintayin na maubos lahat yan. Kaya pagbigyan mo na lang kung anong gusto niya."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Pinapasensyahan? Ubos na ubos na nga eh. Kulang na lang sumabog na ako kanina. Pagpapasensiya pa ba yun?

"Ang gulo mo. Hindi kita gets," sambit ko na naupong muli sa silya ko.

"Basta, ganito ang gawin mo," sabi niya rin na sumandal sa mesa niya. "Pag-uwi mo. Pag galit siya, wag mong sabayan. Nakakasira ng relasyon yan. Hayaan mo lang siya sa gusto niyang gawin sayo--"

"Teka nga muna," sabi ko na sinuri siya. Ngiti lang ang isinagot niya. "Pinaglololoko mo rin ba ako?"

"Hindi. Sinasabi ko lang kung anong dapat na gawin mo para mas tumagal ang relasyon niyo ni 'insan. Alam mo naman na idol ko 'yun. Magaling yun eh," saad niya na kumindat sa akin.

Talagang magpinsan ang mga 'to. Hindi magandang impluwensiya. "Tumigil ka na. Hindi ka rin nakakatulong. Mas lalo mo lang akong pinapahamak. Isa pa, mahirap ka nang pagkatiwalaan ngayon. Yang utak mo, katulad rin pala ni Laxus, parehong may ubo."

"HAHAHAHAHA! Ang hina mo talaga kay 'insan."

"Get lost, Devereaux!"

...

Sa wakas ay tapos na rin ang trabaho. Makakauwi na ako at makakapag-pahinga. Sana lang nakaluto na yung isa dun para makakain na rin ako agad then tulog na. Alam ko naman na nauunang umuuwi yun sa akin.

"Mauna na ako sa 'yo, Devereaux," paalam ko sa naka-dekwatrong boss ko na nagkakape habang hawak ang cellphone. Hapon na, nagkakape pa.

"O, sige. Ingat. Good luck na rin," saad niya na hindi nagtaas ng tingin sa akin.

"Good luck?"

"Ah? W-wala. Ang sabi ko, mag-ingat ka raw, sabi ni 'insan. Naghihintay na siya para sa mainit init na laban - ay este - na mga halik niya para sa iyo."

Inirapan ko siya bago 'ko nagpatuloy na lumabas ng pinto. Hindi ko na rin siya sinagot pa dahil sa nakakaloko niyang mga ngiti. Napapailing na lang ako.

"Sira ulo."

Pagkarating ko sa waiting area ay agad na rin akong nagpara ng taxi para makauwi na. Ang dami ko pa namang bitbit ngayon. Iniuwi ko na kasi ang iba kong trabaho na hindi ko nagawa kanina para maihabol ko mamaya.

Pagkatigil ng taxi ay agad na rin akong nagbayad bago lumabas. Hawak ng isa kong kamay ang laptop bag habang ang isa ko naman ay ang paper bag na kinalalagyan ng mga paper works.

FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon