CHAPTER 7: MEET

3.8K 218 7
                                    


Laxus's P.O.V

Since 'something' happened between us, he really can't get out of my head. I keep searching for him.

I want to ask him for his name that morning but I wake up without him in bed.

I had an unexplainable feeling for him. I know myself, I did like him even if we had only met that evening.

* 3 months ago *

"Captain, naaksidente si Villanueva. At sinabi ng doktor niya na baka aabutin ng dalawang linggo bago siya tuluyang maka recover. Paano na iyan? Malapit na ang finals."

"We need a substitute," agad na sagot ko.

"May kilala ako. Si Ace del Rosario. Isang sophomore. Naging MVP rin yun sa mga tournament nila from his former school."

Nacurious naman ako bigla. Bakit hindi siya sumali sa varsity team kung ganun?

"Show him to me."

After a month since I transferred here ay naging captain na agad ako sa Varsity Team. Well, it's my hobby and I'm good with it.

At sa apat na laban namin this previous weeks ay tie ang score sa pagitan ng katunggali naming university. 2-2. And this coming finals sa susunod na linggo. Kailangan naming maipanalo para na sa amin pa rin mapupunta ang korona para sa pagiging hall of famer sa larangan ng isport na basketball.

"Captain, there he is."

Napaangat ang tingin ko sa kakapasok lang na lalaki mula sa aking pagkakatungo. At pagkakita ko sa mukha niya ay tila kidlat na bumalik sa alaala ko ang lalaking nakita ko sa bar, eight months na ang nakararaan.

Nang makita niya ako ay parang hindi niya na ako naalala. Hindi na niya naaalala ang naganap sa amin sa gabing iyon.

"What do you want?" tanong niya nang nakatitig sa akin.

Medyo cold ang aura niya na hindi ko noon naramdaman. Did he changed?

Hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko nang makita ko ulit siya.

"I want you to join the team. We need a substitute," sagot ko.

Napakunot ang noo ko nang biglang lumiwanag ang mga mata niya.

"T-talaga? I-isasali niyo ko sa v-varsity team?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Is he deaf?  "Yes. And we need to start the training right now."

"Ayos!" nakangiting sagot niya.

Tila sumigla siya nang mga sandaling yun. Nabura ang pagkacoldness niya kanina nang magkaharap kami.

Habang nagte training ay napansin kong napagaling pala niya talaga sa paglalaro ng basketball. Mabilis siya, maliksi at agresibo. Lagi siyang nakaka three-point-shot at parang kay dali lang para sa kanya iyon. Hmm. Nakakapagtaka na mahusay pala siya sa larangang ito.

Pagkatapos ng training ay inaya ko silang lahat sa cafeteria. Pero ang pakay ko talaga ay ang kausapin si Ace tungkol sa nangyari sa amin sa gabing yun. So, Ace pala ang pangalan nia. I just want to know kung naalala pa niya ako .. that I'm the guy he had a 'one night stand' with.

Kaya habang nagbi break time kami ay hindi ko maiwasang mapatitig kay Ace na hindi ko rin naman pinahalata sa mga kasama ko.

Siyang siya talaga yung nakasama ko that night. Hinding hindi ako nagkakamali. Tumatak sa isip ko ang mukha niya kaya alam kong siya yun. Masayahin siya na hindi ko ine-expect. Parang walang itinatago. Tsaka hindi halata rito na bakla siya. Walang ano mang trace sa mga galaw niya ang pagiging gay. Matikas at matipuno ang katawan niya. Talagang nagbago siya pero ang mukha ang hindi. Siyang siya pa rin.

FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon