Ice's P.O.VFuck!!!
Bakit lumabas din siya ng kotse nia?
"Akala ko ba uuwi ka na?" inis na tanong ko sa kanya pero hindi nia ako pinansin.
Yes. Naiinis talaga ako. Dahil sa nangyari kanina rito sa kotse. Kakabwiset na dare! Hindi ko talaga makakalimutan ang pesteng pangyayaring yun. Kaya ayoko muna siyang makita.. sa ngayon.
"Matutulog ako rito."
"Ano?" biglang sigaw ko. "Hindi pwede. Umuwi ka na nga." pagtutulak ko sa kanya pabalik sa loob ng sasakyan nia pero hindi siya nagpatinag.
"Nagtext si Ace sakin na hindi sila makakauwi ni Mandy rito kaya sasamahan na lang kita." wika nia na umakbay sakin.
Shit~ Ang bigat ng kamay nia.
"Ayoko nga." maktol ko na inalis ang kamay nia sa balikat ko. "Hindi na kailangan. Kaya ko naman nang sarili ko rito mag isa. Mas makakatulog ako ng mahimbing kung walang mag iistorbo sakin."
"Istorbo agad? Hindi ba pwedeng samahan lang? Di naman ako mag iingay ah. Tsaka di naman kita pipigilang matulog."
"Kahit na. Mas kampante pa rin ako na matulog ng mag isa."
"Ayaw mo ba ako kasama?"
"Hindi naman sa ganun, pagod lang ako kaya gusto ko lang ng oras na AKO lang MAG-ISA. Pwede?" madiing pagkakasabi ko pero tinitigan nia lang ako. "Ano? Sige na. Alis ka na. Papasok na rin ako." sabi ko at tumalikod na papasok nang bigla niyang hilahin ang damit ko sa likod.
"Nauuhaw ako."
Ugh.
"Maraming mga convenient stores kang madadaanan diyan. Bumili ka na lang don. O siya, sige na. Ba-bye na. Umuwi ka na. Bukas na lang ulit tayo magkita. Magpahinga ka na." pagtataboy ko sa kanya kaya tumalikod na ulit ako at tuluyang pumasok pero nang saktong isasara ko na ang pinto ay bigla na lang niyang hinila pabukas at mabilis siyang pumasok.
Maang naman akong napatingin sa kanya nang makitang siya na rin ang nagsara at naglock.
"Hoy! Ano ba? Sabi nang bumili ka na lang sa labas eh. Bingi ka ba? Wala kaming tubig rito. Umuwi ka na nga!" inis na sabi ko pero halatang hindi siya nakikinig at hindi man lang pinansin ang sinabi ko kaya hinila ko siya sa braso bago pa man siya tuluyang makapasok sa may sala.
"Laxus.."
"Dalhan mo ko ng tubig. Nauuhaw ako." saad nia na ikinanguso ko.
Hayy.
Mabigat ang paa kong pumunta sa kusina at agad na nagsalin ng tubig sa baso na malamig lamig pa mula sa ref.
"Oh." abot ko sa kanya nang makitang prenteng nakaupo na siya sa may sofa.
Kinuha rin naman agad nia sakin iyon at sumimsim ng kaunti.
"Mukhang kapapalit lang ng kurtina nio ah." sabi nia habang nililibot ng tingin ang buong sala.
Psh. Akala mo naman ngayon lang nakapasok dito. Alam ko na naman modus nito.
"May kailangan ka pa? Nakainom ka na ah. Bakit di ka pa tumatayo diyan? Alis na." turo ko sa pinto palabas. But he just looked at me like I'm hopeless. "Labas na." ulit ko pero mahina lang siyang napailing habang nakangisi.
Aish. Mukhang wala na talagang balak ang lalaking to na tumayo.
"Stay here." utos nia at biglang napatayo.
"Bakit, saan ka pupunta?" tanong ko nang makitang papunta siya sa kwarto.
"Maliligo ako."
"Ano? Maligo ka na lang sa inyo. Tsaka isa pa, wala kang damit rito na pampalit."
BINABASA MO ANG
FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]
Narrativa generale[ON PROCESS OF EDITING] I was obliged to follow an instruction, to pose as a girl in a pub, due to a terrible bet my friend Kelly and I had made. And on the same night, I had a one-night encounter with a stranger who had been "chasing" me because he...