Ice's P.O.VMabuti na lang at hindi na gaanong tinalab ng alak ang utak ng lalaking yun kagabi nung makaligo sya. Dahil kung hindi, di ko na alam. Pero napakasarap sa pakiramdam na inalok nia ko ng panghabang buhay para makasama siya. And I just say, yes.
"Oh my gosh!!!" nagulat ako nang biglang sumulpot sa likuran ko si Kelly. "What's the meaning of that?" hindi makapaniwalang tanong nia sakin habang nakatingin sa kamay ko. Especifically, sa ring finger ko.
Kanina ko pa kasi pinagmamasdan ang singsing na nakasuot sakin na binigay ni Laxus kagabi. May diamond siya sa gitna at may maliliit na crystal sa palibot nito. Napakaganda kaya hindi ko napigilan na mapatitig dito habang nakangiti.
Wrong timing lang talaga at nakita ng malisyosa kong bestfriend na alam kong hindi na naman ako titigilan sa kakatanong.
"Kanino galing yan? Haha. Sino nagbigay? Sige na. Sabihin mo na." sabi niya sabay yugyog sa balikat ko.
"Hay, regalo ko to sa sarili ko. Birthday ko ngayon."
"Sipain kita palabas gusto mo? Wag ako, Ice ah! Kilala kita. Tsaka alam ko birthday mo. So, ano nga? Sino nagbiga--"
"Si Laxus."
O_O ~reaksyon nia. Pero makalipas lang ng ilang segundo ay bigla siyang napatawa ng malakas dahilan para tingnan kami ng ilan naming kaklase. "Hahahaha!!!Y-yung totoo, Ice? Pero infeirnes ah, magaling ka rin palang magpatawa."
"Wag ka ngang magtanong kung di ka rin naman pala maniniwala." irap ko sa kaniya.
"Bakit? For what? Bakit ka nia binigyan?"
"Kami na. Tsaka magpapakasal na ko sa kanya." straight- forward na sagot ko makes her in a speechless mode.
Dahan dahan siyang napaupo sa harapan ko at tinitigan ng deretso sa mata. Nailing naman ako sa paraan ng pagtitig nia kaya napaiwas rin.
Ano ba yan Ice? Bakit mo sinabi? Aish.
"Magtapat ka nga sakin, Ice. May nangyari na ba sa inyo?" seryosong tanong nia na ikinagulat ko.
Naningkit naman ang mga mata kong napatingin sa kanya. Talagang sa lahat ng pwede niyang tanungin sakin, yun pa talaga ah.
"Hoy, ano na? Meron ba? Kailan? Paano? Magkwento ka naman. Matagal ka nang hindi nagkwekwento sakin."
"Tumigil ka." pag iiwas ko.
"So, meron nga?" nangingiting tanong nia.
"..."
"I'll take that as a yes! Oh my! Kailan pa? Bakit di mo man lang ako ininform? Hahaha!" tawa nia sabay palo sa balikat ko.
*sigh*
Bestfriend ko nga naman talaga.
So yun nga, kinwento ko lahat lahat ng nangyari. It takes me an hour para ikwento sa kanya lahat dahil mas marami naman ang tili nia kaysa sa pagsasalita ko. Bruhang to.
"Ikaw na girl! Haha. Yieeee! Sabihin mo lang ha kung naapakan ko na ang hair mo sa haba."
"Tigilan mo ko, Kelly." pagtataray ko.
Hindi na rin kasi maalis sa mukha ko ang hiya. Magku kwento ako ng ganito sa isang babae? Parang ang weird lang. Pero parang gustong gusto naman nia.
"Don't worry, Ice. Safe ang secret mo sakin. 'Lam mo na, support ko kayo ni Laxus. Ayiie! Alam mo, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Aww, nakaka inggit ka gurl!" sabi nia sabay sundot sa tagiliran ko dahilan para samaan ko siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]
Ficção Geral[ON PROCESS OF EDITING] I was obliged to follow an instruction, to pose as a girl in a pub, due to a terrible bet my friend Kelly and I had made. And on the same night, I had a one-night encounter with a stranger who had been "chasing" me because he...