CHAPTER 5: CONFESS

5K 233 5
                                    


Ice's P.O.V

...

*Mulat-mata

*Bangon

*Inat- inat ng konti

*Ligpit-kama

*Mumog

.. And Ta-daa! It's breakfast time!

As usual, late pa rin akong gumigising. Mabuti nga sana kung nauna nang pumasok si Ace para hindi na ako lalong mas ma-late pa. Wala naman kasing umaga na hindi kami nagtatalo ng ugok na yun. Paunahan maligo tas antagal pang tumae. Bwahaha. Sana lamunin na ng inidoro sa tagal.

Agad na akong bumaba at may pakusot kusot mata pa. Nakalimutan kong maghilamos. Dami ko palang muta.

"Uy Ice, gising ka na pala. Halika na, sakto gumawa kami ng sandwich tsaka chocolate milk drink," rinig ko habang pasuray suray akong naglalakad patungo sa lababo.

"Oo, saglit lang," sagot ko bago naghilamos. Pagkatapos ay kumuha ako ng pitsel sa ref at nagsalin ng tubig sa baso.

Humarap ako kay Ace habang umiinom ako at--!

"AHH! ICEE!! ANO BA YAN?!" rinig ko na lang na sigaw ni Ace.

Aksidenteng naibuga ko kasi ang tubig na nasa loob ng bibig ko nang makita ko si Laxus malapit sa kaniya.

Nagulat ako eh. Pasensiya na. Nakalimutan kong nandito pa rin pala siya.

"S-sorry," nangingiting sabi ko kay Ace habang nakapeace sign.

Tawang tawa naman si Laxus habang si Ace ay nakahigh intensity na ata ang inis. Basa yung buhok eh. Tas malamig pa. Karma mo yan bro! Pinatuloy mo kasi yung kupal na to dito .. dito sa BAHAY KO!

Kahit na ganun ay inabutan ko pa rin siya ng towel. Kahit na may pagkasutil ako sa kaniya ay nagtatago rin minsan ang sungay ko. Mabait naman talaga ako eh. May nagtutulak lang talaga sa akin para maging masama. Hmp.

Agad na rin akong umupo sa tabi ni Ace na kasalukuyan na ring kumakain ulit. Napasulyap ako sa kaharap namin at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Suot pa rin nia ang jacket ko?! Naks! Kina-reer na niya ang pagsuot. Malamig pa rin ba? Psh. Hmm. Mukhang masarap 'tong sandwich ah! Matikman nga--!

"Ah!" Halos manlamig ang buo kong katawan nang maramdaman kong may tumulak ng mahina sa upuan ko sa pagitan ng mga hita ko. Nabitiwan ko pa ang hawak kong sandwich dahil sa gulat.

"Anong problema?" biglang tanong ni Ace sakin. Lumingon ako kay Laxus at nakangisi itong nakatingin sakin.

"A-ah, w-wala. N-naalala ko. M-malelate na ko sa school. Mauuna na akong maligo," nauutal na saad ko.

Taranta akong tumayo. Bwiset 'tong lalaking nasa harap ko. Alam kong siya yung gumawa nun. Argh! Naramdaman ko kasi ang daliri ng paa niya sa alaga ko. Tss. Pervert! Bumara sana yung sandwich sa lalamunan niya.

"Di ka pa kumakain," sabi ni Ace.

Oo nga pala. Sayang yung sandwich. "Ah .. kakainin ko na lang to sa kwarto ko. Sige," sabi ko sabay takbo sa kwarto.

~•~

Mabuti na lang at nauna akong naligo kanina. Nauna rin kasi akong pumasok kaya hindi na kami nagkasabay pa. Dahil siguradong problema na naman yun kung sakali.

FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon