Ice's P.O.V"Hmm?"
Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng cellphone ko sa side ko. Bwiset! Kanina pa 'to! Ba't di tumitigil!
"Bakit ba? Ano bang kailangan mo? Nambubulabog ka ng tulog bwiset ka!" sigaw ko nang sagutin ko pero nakapikit pa rin.
Nakarinig ako ng tawa mula sa kabilang linya. ["Bumangon ka na diyan at mag-impake."]
Kumunot ang noo ko bago napilitang napamulat. Tiningnan ko ang pangalan na naka-register sa screen ng phone ko. It was Caius.
"Bakit naman ako mag-iimpake?"
["7:00 AM. Meeting place ay sa Heaven Side Terminal papuntang Laguna, specifically, Hidden Valley Springs Resort sa Laguna. May team building tayo for 5 days."]
Hindi agad nag-load sa isip ko ang sinabi niya. Ano raw? Team building? Ngayon na?
" 'Ngina mo. Bakit hindi mo sinabi agad sa akin kahapon para nakapaghanda ako?"
"Ngayon ko lang din naisip. Sige na, bilisan mo na. Baka mapag-iiwanan ka."
Hindi na niya ako hinintay pa na sumagot dahil pinatay na rin niya ang tawag.
Team Building for 5 days?
Unti unting tumaas ang isang sulok ng labi ko dahil sa naisip ko.
YEESSSSS! 5 araw akong mawawala. Ibig sabihin, 5 araw ring hindi ko makikita ang pagmumukha ng buwiset na iyon dito. Siguro naman, makakaramdam ako ng peace of mind doon sa pupuntahan namin dahil walang mabubuwiset sa akin roon.
Agad akong napabangon sa kama nang makitang 6:26 AM na ang oras sa pinakataas na side icon ng phone na kabibili ko lang nung isang araw. Napansin kong wala na ang dalawa sa sahig. Siguro, nasa labas na. Sabado kasi ngayon kaya walang pasok si Nixus.
Dali dali akong lumabas ng kwarto at hinanap sila. Sumilip ako sa bintana nang makarinig ako ng tawanan sa may garahe.
There they was. Kina-carwash nila ang sasakyan.
Agad rin akong bumalik sa kwarto at inabot ang maleta ko na nakatago sa malaking cabinet at nagsimula nang kumuha ng mga damit sa closet ko. Limang araw lang naman yun pero kailangan ko pa ring magdala ng extrang mga damit dahil siguradong magpapawis ako roon ng todo. Naglagay na rin ako ng mga personal hygienes na maaari kong magamit roon kung sakali.
"What are you doing?"
Napalingon ako bigla sa may pinto nang marinig ko ang boses ni Laxus. He was standing, frowning. Basa ang kamay at ang ilang parte ng suot niyang gray na fitted shirt.
"May biglaan kasing team-building activity ang lahat ng mga empleyado sa kompanya ni Caius. Kanina lang umaga niya itinawag sa akin. Sa Laguna raw," sagot ko na ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Stop that. Bakit hindi niya pinaalam muna sa akin kung papayag ako?"
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" gulat na tanong ko na literal na napatigil sa ginagawa.
"No. Hindi ka pwedeng pumunta," sagot niya.
"At bakit hindi? Hindi ako pwedeng hindi pumunta."
"Sasabihin ko kay Caius," saad niya na agad nang tumalikod. Napilitan naman akong tumayo para sundan siya.
"Laxus! Team building yun!"
"It's not that important," sagot niya na kinuha ang phone niya pero mabilis ko iyong inagaw. "It is JUST a team building. Pwedeng hindi ka pumunta."
"Pero gusto kong pumunta," pilit ko. "Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta ako," dagdag ko.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya napasuko at napabuntong hininga. "Fine. Pero sasama ako."
BINABASA MO ANG
FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]
General Fiction[ON PROCESS OF EDITING] I was obliged to follow an instruction, to pose as a girl in a pub, due to a terrible bet my friend Kelly and I had made. And on the same night, I had a one-night encounter with a stranger who had been "chasing" me because he...