Ice's P.O.V...
Back to reality.
"Mga tol! Antahimik niyo naman masyado! Oh, eto ang pampagising natin!" sigaw ni Ace galing sa kusina.
Phew! Buti na lang at bumalik na sya. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon para makasagot sa tanong niya kanina.
"Salamat," sagot ng Laxus na 'to sa kakambal ko nang bigyan siya ng isang bote ng beer.
Kumuha ng isa pang bote si Ace at iniabot sa akin pero umiling ako.
"Salamat na lang pero hindi ako umiinom niyan." pagtanggi ko na ikinatawa niya.
"Ano ka ba, Ice! Ngayon lang naman eh. Pagbigyan mo na 'ko. Ipapahiya mo ba 'ko sa kaibigan ko?"
Wow. Wow lang ha! Isa pa to eh!
Napabuntong hininga na lang ako ng wala sa oras. "Isa lang ah," napipilitang sabi ko na ikinakislap ng mga mata niya. Mahirap naman kasing masabihan ng kill-joy ng isa diyan.
"Sige ba! Cheers! Cheers!" sigaw ni Ace na siyang nagsimula at yun na nga .. inuman ang bagsak namin.
Habang nagkukuwentuhan ang dalawa ay nakiki-kinig na rin ako. Pag tatawa sila, nakikitawa na rin ako. Ayoko rin namang magmukhang out-of-place sa harap nila. Pero of course, fake laugh lang yun.
Habang pinapanood ko sila, hindi pa rin maalis sa isip ko ang tanong na kung ang pagkakakilala nila ay talagang nagkataon lamang. Isa iyong palaisipan sa akin. Dahil kung oo, masasabi kong napakaliit nga talaga ng mundo.
Aksidenteng napatingin ako sa kaniya habang umiinom siya at halos lumuwa ang puso ko sa kaba nang magtama ang mga mata namin. Iba ang tingin niyang iyon. Yung tipong may masamang binabalak.
Then all of a sudden, I saw him smirk at me.
Sabi na nga ba eh! Alam kong iba ang motibo ng lokong to! May iba siyang pinaplano!
"Uhm, Ace, pwede ba akong mag over night? Medyo nahihilo na kasi ako. Baka hindi ko na kayang magdrive pauwi," sabi nito pero sa akin naman nakatingin.
"HINDI PWEDE!" sigaw ko agad na ikinalingon sa akin ni Ace. May iba na akong nararamdaman sa taong to. Uhm .. I mean, maling kutob.
Sa paraan pa lamang ng pagtingin niya sa akin at ang kakaibang ngisi niyang iyon ay akala mong may masamang pinaplano.
Pero sana naman, mali ang iniisip ko. Umaandar na naman kasi ang pagiging praning ko.
"Hoy Ice! Anyare sayo? Parang isang overnight lang eh," nakapout na sabi ni Ace sa akin saka lumingon kay Laxus. Ugh! I hate to mention his name! "Pasensiya ka na tol, ganyan lang talaga yan. Ngayon lang kasi may mag overnight na kaibigan ko rito," sabi pa nito na ikinasalubong ng kilay ko.
"I understand."
Tsk. Pakitang tao.
"Ice, don't worry. I won't sleep with you," dugtong pa nia na ikinagulat ko.
"Pinagsasasabi mo? Sapakin kita diyan eh!" pagbabanta ko pero tumawa lang siya.
"Teka lang, para mas madali kayong makapagkilala at maging close, sa iisang kwarto tayo matutulog--"
"NO WAY!" sabad ko ulit na ikinagulat na naman nila. "Bakit ko naman gagawin yun? Tsk. Bahala na nga kayo diyan! Matutulog na ko."
Tumayo na ako at iniwan na sila.
BINABASA MO ANG
FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]
Ficção Geral[ON PROCESS OF EDITING] I was obliged to follow an instruction, to pose as a girl in a pub, due to a terrible bet my friend Kelly and I had made. And on the same night, I had a one-night encounter with a stranger who had been "chasing" me because he...