CHAPTER 30: PREPARATION

1.2K 52 0
                                    


Ice's P.O.V

["Hoy Ice, asan ka na? Hinihintay ka na ng lahat rito sa field. Ikaw na lang wala,"] narinig naming boses mula sa kabilang linya nang sagutin ko ang tumawag.

Yes. And specifically, it was Caius.

Agad kaming nagkatinginan ni Laxus sabay ngiti ng makahulugan.

"Shit. Nakalimutan natin--"

"Ako na ang kakausap," pagpuputol niya sa akin. Agad ko ring itinabi ang cellphone ko sa kaniya at inilagay sa speaker para marinig ko rin. "Hey, Caius, it's me," sabi niya habang deretso pa rin ang tingin sa kalsada habang nagmamaneho.

["L-laxus?!"] halatang gulat na sambit niya. ["Magkasama kayo ngayon? Mga baliw kayo! Nasaan kayo? Nandito ka talaga sa Laguna?"] dagdag pa niya.

"Yeah, magkasama nga kami."

["Don't tell me 'insan, gumagawa na naman kayo ng milagro ngayon kaya hindi mo pinapunta rito ang pinakamamahal mo. Huling araw na nga eh, hindi mo ba kayang tiisin ang pangangati ng alaga mo kaya ikaw na rin mismo ang nagpunta rito,"] saad niya.

"You're definitely wrong couz'. Actually, pabalik na kaming Manila. Kaya hindi kami gumagawa ng milagro at isa pa, kaya ko siya sinundo diyan sa Laguna dahil hindi mo nabantayan ng maayos si Ice. Lalo na kagabi, dahil sa iyo, muntik na siyang mapahamak."

["What? Bakit? Anong nangyari? Kasama kaya namin siya kagabi sa bar. Siya nga yung umalis eh. Iniwan niya kami ni Calida dun, dahil paggising namin, umaga na."]

"Ikukuwento ko na lang sa iyo kapag nagkita na tayo, dahil makakatikim ka rin sa akin ng sapak dahil sa pagpapabaya mo."

["Tss. Oo na! Uuwi kami bukas."]

"Wag mo na lang kayang ituloy yang isang araw at sumunod na rin kayo sa amin sa pag-uwi," sabi ni Laxus na lumingon sa akin. He smiled.

["Huh? Bakit naman?"]

"Baka hindi kayo makadalo sa pinaka-importanteng araw ng buhay ko."

["Huh? Hindi kita maintindihan 'insan. Bakit, anong magaganap ngayon?"]

"Ngayon na kami ikakasal ni Ice."

["WHAAAT? I-IKAKASAL? AS IN .. N-NGAYON NA? TODAY?"] malakas na hiyaw niya. ["HINDI KA BA NAGBIBIRO LANG 'INSAN?"] dugtong pa niya.

"Wala akong oras para makipagbiruan sa iyo. Kaya kung ayaw mong masaksihan ang pag-iisang dibdib namin ni Ice, ituloy mo lang yan, at wag na wag ka na ring magpapakita sa akin," sabi niya bago ko agad pinatayan ng tawag nang senyasan niya ako.

Nagkatawanan na lang kami. And It felt like I was in loved again for the first time because of what he is showing me right now.

...

Dumiretso kami sa Childcare Center na pinag-iwanan niya kay Nixus. Tatlong gabi rin na hindi niya kami nakita.

Pagpasok namin sa lobby ng two storey building ay may sumalubong sa kaniya na sa tingin ko ay nasa mid-thirties na ang edad na babae, na hanggang balikat ang kulot niyang buhok.

"Hello, Mr. Damone. Mabuti at naabutan kita. Paalis na rin sana ako ngayon dahil sa pupuntahan kong meeting," nakangiting sabi ng babae.

"Hello, Atty. Rosé. Thank you for your help. Where's Nixus?"

"Nasa taas, sa may playroom. Kasama niya ang ibang bata na narito rin. And for your information, nalaman ko ang araw ng kapanganakan niya. Ang sabi niya, araw daw ng plok plok," nakangiting sabi niya na pinipigilan ang pagngiti.

Napakunot noo rin kami ni Laxus pero natawa rin ng makuha ko ang ibig niyang sabihin.

"Loko talaga ang batang yun."

FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon