Ice's P.O.V
Pagmulat ng mga mata ko kinabukasan ay hindi na ako nag atubili pang bumangon. Dali dali akong nagbihis ng tahimik. Hindi na rin ako nagulat pa kung bakit may kasama ako ngayon at parehas pa kaming hubad. I am fully aware of what happened yesterday.
Sana hindi na lang ako nagcross-dress dahil sa suot ko ay alam kong kitang-kita sa katawan ko, lalo na sa batok at leeg ko ang mga kiss mark na gawa kagabi ng lalaking to.
Umupo ako para isuot sana ang heels na ginamit ko kagabi pero bigla akong napangiwi.
Aww .. ang sakit ng puwet ko!
Pero bago ko pa man maisuot ang heels na iyon ay napalingon ako sa natutulog pang lalaki.
Yumuko ako sa kaniya at binigyan ng halik sa pisngi. Hindi rin ako sigurado kung bakit ko iyon ginawa pero siguro it was .. a goodbye kiss.
At bago pa man ako tuluyang makalabas sa kwarto niya ay napangiti ako at sinabing ..
"GOODBYE STRANGER."
...
Pagkauwi ko ay agad na rin akong naligo dahil kailangan kong pumasok ngayon sa school. Medyo kinabahan din ako dahil baka makita ako ni Ace na nakasuot ng pambabae. Pero nakahinga rin naman ako ng maluwang dahil wala na siya sa bahay nang makauwi ako. Sanay na rin naman akong hindi kasabay pumasok ang bugok na yun dahil magkaiba naman kami ng section.
Buti na lang at may duplicate keys kami pareho.
At sa aking inaasahan ay na-late ako dahil anong oras na nang makarating ako sa room.Pagkapasok ko ay nagdidiscuss na pala ang professor namin at kasalukuyang nagsusulat sa white board kaya hindi niya ako napansin na pumasok mula sa isang pinto sa likod.
"Kelly!" tawag ko kay bespren na kasalukuyan namang busy sa hawak niyang cellphone sa kabila ng ingay sa paligid gawa ng mga kaklase ko.
Tumingala siya kaya nakita rin niya ako. Agad akong lumapit pero hindi pa man ako nakakaupo ay mabilis na niyang hinila ang necktie ko dahilan para masakal ako ng bahagya.
"Aack!" daing ko habang hinihila rin ang necktie ko mula sa kaniya. Halata sa mukha niya ang pagkainis.
"Hoy Ice! Saan ka nagpunta kagabi? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Anyare, ha? May idinate ka na bang sampo? Ano? Sumagot ka!" mahinang sigaw niya bago binitawan ang necktie ko.
"Ouch~" daing ko ulit habang inaayos ang tie ko bago naupo.
Pero teka, sasabihin ko ba ang nangyari kagabi? Mas mabuting sa akin na lang yun, hindi na niya kailangang malaman pa.
"Hoy Ice! Tinatanong kita! Ano na?" Ssigaw ulit ni Kelly na ikinatawa ko.
"Ah? Hehehe." Napakamot na lang ako ng ulo. Ano bang irarason ko? "Ahh, umatras ako kagabi. Natakot kasi ako sa mga pwedeng mangyari, kaya umuwi na lang ako at natulog. Sorry kung hindi na kita sinabihan, hindi kasi kita makita. Tsaka, sinilent ko yung cellphone ko kaya hindi ko narinig yung mga tawag mo," palusot ko na parang gumana naman.
Napadako ang mga mata ko sa cellphone niya. "Hmn?" Sumilip ako sa screen niyon. Sino naman 'tong iniistalk ni Kell--! T-teka .. "Siya yung--" Hindi ako pwedeng magkamali!
"Siya si Laxus. Laxus Damone," pagdurugtong niya sa sana'y sasabihin ko dahilan para mamilog ang mga mata ko.
"Ano?" gulat na tanong ko.
"Hindi mo pa ba alam ang balita? Transferee siya rito. Yieee! Kenekeleg eke! Ang gwapo niya 'di ba?" tanong niya na ikinatigil ko.
Transferee? Ibig sabihin, hindi imposibleng magkita kaming muli rito? Hindi 'to maganda. Malaki ang tsansang magkrus muli ang landas namin dahil nasa iisang university lang ang pinapasukan namin.
Pero isang gabi lang naman yun. At saka nakasuot ako ng damit pambabae. Sigurado akong hindi na nia ako mamukhaan o maalala man lang.
"Ice?"
"H-huh?" parang tangang tumingin ako kay kelly. Kinakausap ba niya ako? Hayyy, narinig ko lang ang pangalan ng lalaking iyon ay parang tumatak na sa isip ko ang mukha niya. Hindi lang ang mukha niya, kundi lahat lahat na. Lahat lahat ng nangyari sa gabing iyon.
Magmula nga ng malaman ko ang pangalan niya ay pilit kong iniwasan ang mga taong bumabanggit sa kaniya. Na pati si kelly ay iniiwasan kong masali sa usapan namin ang lalaking iyon.
Sa pagkakaalam ko mula sa naririnig ko sa ibang estudyante na nadaraanan kong nag-uusap tungkol sa kaniya ay isa na siyang senior ngayon. Habang ako naman ay sophomore pa lamang kaya mas nakahinga ako ng maluwang ng konti dahil malayo ang building nila sa building namin.
At sa halos isang taon na yun ay hindi kami nagkita o nagkasalubong man lang. At ipinagpasalamat ko yun.
Akala ko mas lalong hindi na kami magkikita ng lalaking yun dahil saktong magbabakasyon na kami ng susunod na buwan ..
.. pero ..
.. akala ko lang pala lahat.
...
![](https://img.wattpad.com/cover/224399538-288-k622082.jpg)
BINABASA MO ANG
FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]
General Fiction[ON PROCESS OF EDITING] I was obliged to follow an instruction, to pose as a girl in a pub, due to a terrible bet my friend Kelly and I had made. And on the same night, I had a one-night encounter with a stranger who had been "chasing" me because he...