CHAPTER 28: PETTY REVENGE

1.3K 65 0
                                    


Ice's P.O.V

Pagpipigil ng inis at pagtitimpi ng galit ang tiniis kong gawin maghapon nang mag-isa rito sa bahay. Kanina pa nangangati ang paa at kamay ko na sugurin si Laxus sa opisina nila pero pinili kong maghintay na lang at dito sa bahay ko siya kokomprontahin. Naghanap ako ng pwedeng pagkaabalahan para kahit papano makalimutan ko pero hindi talaga mawala wala ang eksenang nakita ko sa screen ng phone ko dahil sa pesteng -- ugh. Fuck!

Talagang inuubusan ako ng pasensiya ng buwiset na yon. Talagang hindi ako tinitigilan! Pati bata dinadamay sa kalibugan niya. At dahil sa gagong yun, pati cellphone ko nabasag! Ngayon, hindi ko na mabuksan!

"ARGH!" sigaw ko na napasabunot ng sariling buhok na napapaisip sa mga nangyari at sa mga mangyayari. "HUMANDA KA TALAGA PAGDATING MO LAXUUUUSSSS! GAGO KAAA! MAPAPATAY KITA!"

Ngayong may bata kaming kasama, tsaka naman ata mas lumala kabaliwan niya.

Tsk. Hindi ko hahayaan na lumaki si Nixus na puro kalibugan nakikita niya sa bahay na 'to. Dahil simula ngayon, magtatapos na ang mga kaligayahan niya. Akala niya siguro tatahimik na lang ako sa mga ginagawa niya, pwes, nagkakamali siya. I-e-extend ko ang isang buwan sa dalawang taon!

*Beep! - Beep! - Beep!*

Napatigil ako at napasilip sa may bintana nang may marinig akong busina mula sa labas.

"Mabuti at nakauwi na ang dimunyo," bulong ko habang masama ang tingin na nakatuon ang mata ko sa bintana bago napilitang tumayo sa kinauupuan ko rito sa sopa at lumabas para pagbuksan sila ng gate.

Pagkasara ko rin agad sa gate matapos niyang maipasok ang sasakyan niya at mai-park sa garahe, ay rmabilis akong sumunod at lumapit sa kanila nang makababa sila mula sa kotse.

"Papa Ice."

"Nixus, pasok sa loob. Magpahinga ka na muna saglit sa kwarto bago ka maligo dahil alam kong nagtatatakbo ka," seryosong sabi ko nang makitang mukhang pagod na nanggaling sa school ang bata. "Mamaya na tayo mag-usap."

"Opo," magalang na sagot niya bago siya naglakad paloob na parang zombie.

"Laxus, maiwan ka," may diing sabi ko na pinameywangan siya habang matalim ang tingin ko sa kaniya. "May kailangan kang ipaliwanag sa akin."

"Babe, pagod rin ako. Pwede na rin ba akong magpahing--"

"Hindi," pagpuputol ko sa kaniya. Psh. Magpapalusot pa. "Mag-uusap tayo. Subukan mong pumasok, at hindi ka kakain ngayong gabi."

"Babe naman--"

"Wag kang umasta diyan na wala kang ginawang katarantaduhan ngayong araw. Magsalita ka na kung gusto mo pang makapagpahinga o habambuhay kitang pagpapahingain."

Bigla siyang napangiti nang marealize siguro ang ibig kong sabihin. Napasandal siya sa likod ng kotse at prenteng napahalukipkip habang natatawang tumingin sa akin.

"Ahh, yun ba? Pfft. Yan ba ang dahilan kaya ka nagagalit ngayon sa akin, babe? Hindi mo ba nagustuhan iyon, babe? Gusto mo, gawin natin ngayong gabi?"

Aba! Tingnan mo ang sira ulong 'to! Mukhang tuwang tuwa pa!

Inilabas ko ang cellphone ko at ipinakita sa kaniya. "Nakikita mo 'to?" tanong ko na pigil na pigil masapak ang kaharap ko ngayon.

Tumaas ang kilay niya kasabay ng isang sulok ng labi niya na pinipigilang matawa ulit.

"Palitan mo," dagdag na sigaw ko pa na inihampas sa braso niya bago niya kinuha. "Kasalanan mo kung bakit yan nasira, buwiset ka," sabi ko pa na hindi na niya napigilan pa ang mapatawa.

FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon