Ice's P.O.VPinitik pitik ko ang hawak kong resignation letter bago ko tuluyang pinabalibag na binuksan ang pinto ng opisina ni Caius. Naabutan ko siyang nakaupo sa likod ng mesa niya at parang wala lang din sa kaniya ang ginawa ko. Halatang busy sa santambak na papeles sa harapan niya. Buti na lang hindi ganito kayaman ang pamilya namin at hindi magiging sole heir dahil meron akong sira ulong kapatid.
"Magre--"
"Busy ako. May kailangan ka? Mamaya na lang," saad niya na pinutol agad ang sasabihin ko. Hindi rin man lang niya ako tinapunan ng tingin.
Wow. Kung tratuhin ako ngayon, parang wala siyang kinalaman sa nangyari kahapon ah.
"Magre-resign na ako. Oh. Heto na ang formal resignation letter ko. Para wala ka ring masabi kung bigla na lang akong 'di magpapakita sayo rito at hindi na pumasok. Isa pa, malapit naman nang bumalik ang dati mong sekretarya kaya magtiis ka muna," sagot ko na hindi pinansin ang sinabi niya.
Sa wakas ay nagtaas rin siya ng tingin pero kunot naman ang noo.
"Sinong may sabing pwede kang mag-resign?"
"Ako."
"Sino bang boss rito?"
"Ikaw."
"Eh, bakit ka magreresign? Hindi pwede," sagot niya na muling hinarap ang mga papel sa mesa niya.
"At bakit hindi, aber?" tanong ko pero nilabas lang niya ang cellphone niya at kinalikot saglit bago iniharap sa akin.
"Oh. Basahin mo, para matigil ka na," utos niya na agad ko rin namang hinablot ang phone sa kamay niya. Text to ni Laxus ah.
[From My Favorite Couz': Papunta ngayon diyan si Ice. Magreresign na daw sayo. Pero hayaan mo lang siya. Wag mong pansinin. Basta wag mong tanggapin ang pagre-resign niya.]
Aba! Nagkasabwatan pa!
"Okay na?" taas-kilay na tanong niya. Hindi ako sumagot bagkus ay sinamaan ko siya ng tingin. "Okay. Sige na. Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan mo. Bumalik ka na lang dun, may ginagawa ako. Huwag ko akong istorbohin. Just talk to me when something's up. And make sure, it's important," sabi niya na mas lalo kong ikinainis. Tss. Ang bossy bossy sakin rito pero sunod sunuran naman sa pinsan niyang kapareho niyang baliw. "And one more thing, itapon mo na yang resignation letter mo, hindi ko kailangan yan. O siya, alis na."
Nakuuu~ Mababatukan ko na talaga 'to! Pigilan niyo ako!
"Psh. Akala mo naman kung sinong makapagtaboy," bulong bulong ko na bumalik sa mesa ko at pasalampak na naupo sa silya ko.
Eh, anong gagawin ko? Wala naman siyang niu-utos sa akin. Napayukyok na lang ako sa mesa at napapikit.
Ilang saglit lang ang lumipas ay narinig kong tumunog ang intercom niya na nag-uugnay sa labas ng opisina niya.
"Yes? .. Oh. Okay ..Tell them to wait for a while. Thank you," rinig kong sabi niya sa tumawag nang sagutin niya.
Ugh! Nakakabagot naman! Sana 'di na lang pala ako pumasok ngayon. Edi sana nakahilata lang ako maghapo--
"Uy, Laxus! Anong ginagawa mo rito?" sigaw ni Caius na ikinabigla ko dahilan para magtaas ako ng tingin sa may pinto. Kaso walang Laxus ang nakita ko kaya sinamaan ko agad si Caius nang lingunin ko siya sa gawi niya. He was laughing at that moment. This fucking dickhead!
"Alam kong na namimiss mo na naman siya," aniya na inaayos ang mga papel na hawak niya bago tumayo. "Kaya halika na, magbreak muna tayo."
"Bakit, tayo ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/224399538-288-k622082.jpg)
BINABASA MO ANG
FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]
General Fiction[ON PROCESS OF EDITING] I was obliged to follow an instruction, to pose as a girl in a pub, due to a terrible bet my friend Kelly and I had made. And on the same night, I had a one-night encounter with a stranger who had been "chasing" me because he...