Ice's P.O.V"Sa apartment na lang tayo mag-usap," saad niya at hindi na ulit nagsalita pa. Humikbing napasandal na lang ako sa salamin ng bintana.
Bakit niya ako pinag-iisipan ng masama? Dapat nga eh ako ang magtaka kung bakit siya nawala ng ganun katagal, baka naghanap na ng iba at iba na ang pinagkaka-busy-an niya. Kaya hindi na niya ako maalala at hindi na magawang kontakin kung ayos lang ako.
Pagkahinto ng kotse sa tapat ay agad na rin siyang bumaba. Sumunod na rin ako sa kaniya sa loob.
Ewan ko kung kailangan kong kabahan, magalit o matakot dahil sa ginawa niya kanina sa opisina ni Caius. Nakakatakot siya kanina at halos ngayon ko lang siya nakitang ganun kagalit.
Pagkapasok ko sa apartment ay agad kong sinara ang pinto. Dumiretso siya sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso bago iyon ininom.
"Laxus, mag-usap tayo ng maayos. Hindi natin 'to masusulusyunan kung mainit yang ulo mo. Wala akong ginagawang masama. Okay? Yung mga litrato na yun na nakita mo, nag-uusap lang kami. Bakit mo ba binibigyan ng ibang kahulugan? Pinsan mo siya, hindi ko siya papatulan dahil lang sa nawalan ka ng oras sa akin."
Ibinaba niya ang baso bago niya ako hinarap, sumandal siya sa lababo at napahawak sa magkabilang gilid nun. Walang reaksyon ang mukha niya na nakatitig lang sa akin. Pero ramdam ko na iba ang ibig sabihin ng mahigpit na paghawak niya sa lababo.
"Hindi imposibleng mangyari yan."
"Ano bang gusto mong palabasin ngayon? Ano, na nagsisinungaling ako sa iyo? Laxus, ilang taon na tayo! Ngayon mo pa ba ako pag-iisipan ng ganito?"
"Pwedeng oo."
"Oo?"
Napasandal ako sa may divider. Hindi ako naniniwala na si Laxus tong kaharap ko. Nag-iba na siya o .. may iba na siya? Huminga ako ng malalim bago siya hinarap ulit.
"So, gusto mo pa ba tayong magkaayos o hindi? Bakit parang mas pinapalaki mo pa? Anong gusto mo? Gusto mo na ba akong hiwalayan? Gusto mo na ba na maghiwalay tayo kasi may iba ka na?"
"What're you saying?"
"Have you lost interest in me, Laxus? At hinanap mo na sa iba?"
Kumunot ang noo niya. "What? Ngayon ibinabato mo na sa akin?"
"Siguro nga .. siguro nga tama ka."
Mas lalong kumunot ang noo niya.
"Binigay sa akin ni Caius yung mga araw at oras na hinahanap ko sa iyo nung nawala ka. Pinaramdam niya sa akin yung mga bagay na hinahanap ko mula sa iyo."
"So, tama nga ako? Kaya kinalimutan mo na rin ako?"
"Hindi kita kinalimutan."
"Oo. Nakalimutan mo."
"ICCEE!"
Pareho kaming napalingon sa may pinto nang bumukas iyon.
"Caius, anong ginagawa mo rito?" kinakabahang tanong ko. Shit. Mukhang mas lalala pa 'to kung nagkataon.
"Sinundan ko kayo. Gusto ko lang makasigurado. Hindi ako mapakali, at ayokong maging pakampante, sa ginawa palang niya sa 'yo kanina sa opisina ko, hindi na nakakatuwa."
"Wag kang makialam rito kung ayaw mong magkasakitan tayo," banta ni Laxus sa kaniya. "Problema namin 'to ni Ice kaya labas ka rito."
"Nag-iskandalo ka sa opisina ko. Nandun ako at empleyado ko si Ice. Kaya malamang na makikialam ako dahil rin sa sinabi mo sa akin doon."
BINABASA MO ANG
FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]
Fiksi Umum[ON PROCESS OF EDITING] I was obliged to follow an instruction, to pose as a girl in a pub, due to a terrible bet my friend Kelly and I had made. And on the same night, I had a one-night encounter with a stranger who had been "chasing" me because he...