Laxus' P.O.V"Huwag kang kabahan sa kasal. Mas kabahan ka sa mangyayari, pagkatapos ng kasal," bulong ko na ikinasama niya ng tingin sa akin. "Oops, wag mo kong sigawan. Bawal ang naninigaw kapag nakasuot na raw ng Traje de Boda."
"Eh ano naman ang koneksyon ng gown na 'to sa pagsigaw ko!?"
My babe really has a loud mouth.
Baka dahil sa kasisigaw niya rito eh lulubusin ko na bago kami magpatuloy sa kasal.
"Kapag raw sisigawan mo ang pakakasalan mo, baka raw hindi matuloy ang kasal," pananakot ko.
"Psh. Diyan ka na nga," pairap na bulong niya bago tumalikod. Medyo mabagal siyang maglakad dahil sinasanay pa ng paa niya ang heels na gamit niya. Di naman yun gaanong mataas pero baka hindi lang sanay.
HAHAHA. Pambansang sagot niya kapag napipikon na't di alam ang ibabanat pabalik. Fuck. Can't wait to marry this peevish, quick-tempered, cranky boyfriend of mine. Of course, can't wait also to do my every night routine.
"O siya. Maliligo na lang din ako. Isa pa, hindi na muna pala tayo magkikita, hihintayin na lang kita sa altar mamaya babe," pahabol na sabi ko na ikinalingon niya sa akin kaya kinindatan ko siya.
Kahit na light lang ang pinagamit kong make-up sa kaniya, kapansin pansin pa rin ang pamumula ng pisngi niya.
"TSEEE!" sigaw niya ulit na ikinatawa namin.
...
Hindi katulad ng aking pinakamamahal na bride, maraming oras ang kailangan para ayusan ng todo. Well, hindi naman na talaga kailangan na ayusan ng sandamakmak na make-up dahil kahit kagigising lang nun, maganda pa rin siya sa paningin ko.
Pagkatapos kong maligo saglit ay agad na rin akong nagbihis. Suot ang dark suit at black satin tie. Siyempre hindi mawawala ang tux. May nakapalibot na Patek Philippe watch sa wrist ko, makintab na black shoes, konting ayos ng buhok, at konting spray ng nakaka-akit na perfume na Armani Code.
Hindi ko maiwasang titigan ang sarili ko sa salamin. Wala sa sariling napakagat ako ng labi.
"Ang gwapo mo talaga Laxus. Kaya hindi ka mahindi-an ng babe mo kapag nagyayaya ka na sa kama," bulong ko sa sarili. "Ang lakas kasi ng sex appeal mong hinayupak ka," dagdag ko pa na ikinatawa ko rin mag-isa rito.
"Hoy, 'insan. Bakit ang tagal mo diyan sa harap ng salamin? Dalian mo na, magsisimula na ang martsa ng babe mo," rinig kong sabi ni Caius mula sa likuran ko habang inaayos na rin niya ang suot niyang puting tie. Siyempre, siya ang best man eh.
"Asan na siya?" tanong ko na muling pinasadahan ng tingin ang sarili sa salamin.
"Palabas na raw sa kabilang kwarto na pinuntahan niya kanina."
"Ganun ba?"
"Halika na, naghihintay na rin sina Tito at Tita sa may entrance door."
Palabas na kami sa pinto ng kwarto nang makasalubong namin si Ace sa may hallway ng hotel. Bihis na bihis na rin at halatang bagong gupit pa.
"FUTURE BAYAWWWWW!!!" malakas na hiyaw namin pareho na ikinalingon ng mga tao sa paligid namin.
Natatawang nagkayakapan kami. Nagka-shake hands rin sila ni Caius at nagpakilala sa isa't isa.
"Kamusta? Long time no see ah," sabi ko.
"Alam mo naman, busy sa pagiging tatay,"
"You mean .. ?"
"You guess it right."
"Nasaan si Mandy?"
"Pumasok siya sa kwarto na kinaroroonan ni Ice. Ayaw ako papasukin eh. Kaya ikaw na lang ang pinuntahan ko."
BINABASA MO ANG
FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]
General Fiction[ON PROCESS OF EDITING] I was obliged to follow an instruction, to pose as a girl in a pub, due to a terrible bet my friend Kelly and I had made. And on the same night, I had a one-night encounter with a stranger who had been "chasing" me because he...