CHAPTER 8: CAPTURED

4.1K 211 4
                                    


***

WARNING! MATURE CONTENT! READERS DISCRETION IS ADVISED! I'VE WARNED YOU!

(◡ ω ◡)

***

Ice's P.O.V

Mabuti na lang at sabado ngayon. Hindi ko makikita ang pagmumukha ng Laxus na yun matapos ng ginawa niya sakin kahapon sa may C.R. Aish. Hindi ko lubos aakalain na gagawin niya yun mismo sa school. Halikan ba naman ako sa labi?

"Aba, ayos ng pormahan natin ngayon ah. Sa'ng lakad natin bro?" tanong ko kay Ace nang makita ko siyang lumabas sa kwarto ko. "Ang bango rin natin ah. Sige, ubusin mo ang pabango ko!" sarkastikong saad ko nang masinghot ko ang pabango ko sa kaniya. Palibhasa, hindi makabili ng sarili niyang gamit. Puro inom lang naman inaatupag niya kaya kahit mumurahing pabango, 'di makabili.

"Lalabas lang kami nina Laxus. Birthday kasi ng isa naming tropa," sagot niya habang inaayos ayos pa ang buhok niya.

Napatigil naman ako dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ng lalaking yun dahilan para maalala ko na naman ang tagpo sa CR kahapon.

"Sige, pakasaya kayo. At kapag naglasing ka na naman. Wag na wag kang magpapakita sa akin rito baka mapatay kita," pagbabanta ko. Ayoko nang maglinis ng mga suka niya sa CR. Eww, kadiri!

Natawa lang siya. "Hindi kami mag iinom ngayon. Mambababae lang," nakangiting sabi niya sabay kindat sa akin.

Psh. Sira ulo. "Umalis ka na nga lang. Baka masipa pa kita palabas ng pin--"

*Kring!~kring!~kring!*

Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Ace.

"Hello .. nandito pa 'ko sa bahay, palabas na. Nandiyan na ba kayong lahat? .. Ano? Wala pa si Laxus? .. Wala naman siyang sinasabi sa akin .. Oo na, sige na. Bye."

Hindi pa man nagtatagal ay muling tumunog ang cellphone niya.

"Oh, Laxus! Asan ka na? Hinihintay ka na ng tropa .. Ohh, bakit ganyan boses mo? .. Ano? May sakit ka? .. Sayang naman, hindi ka makakasama .. Sira ulo ko talaga .. Oo na sige, pagaling ka. Bye," sabi nito bago pinatay ang tawag.

Si Laxus? May sakit? Tss. Buti naman.

"Ano, hindi ka pa ba aalis?" iritang tanong ko dahil hindi ko na kaya pang tiisin ang presensya niya sa bahay ko.

"Oo na. Aalis na," sagot niya bago tuluyang lumabas ng pinto.

I sighed of relief. Hays, buti na lang may pupuntahan siya. Ayoko din naman siyang kasama rito sa bahay. Puro sakit lang ng ulo ang dala niya.

Makalinis na nga lang. Dami dami na naman niyang kalat. Aish, talaga nga naman! Kunsumisyon ang lalaking yon! Mga papel, bote o canned beers, medyas at ano to? BRIEF? Bakit nakakalat ang mga undergarments niya? Napahilamos ako ng mukha.

Ayoko na talaga! Lagi na lang ganito set up ko pag pumupunta rito ang bugok na yun. Nakakasawa na siya. Bakit 'di na lang kasi manirahan sa bahay. Sana di ko na lang kasi siya pinayagang makitira sa akin kung ganito lang rin naman.

*ding~dong!*

Napalingon ako sa may pinto. Huh? May aasahan ba akong darating na bisita? Wala naman sa tingin ko ah. Bumalik kaya si Ace? Ano namang nakalimutan niya? Mabuksan na nga lang.

FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon