Ice's P.O.VMany years had been passed. Our relationship still as strong as how I love him.
But not all relationships are always happy. May pagkakataon pa rin talaga na sinusubukan ka ng panahon. Sinusubukan kung gaano katatag ang inyong relasyon.
Ngunit--
Ibang pagsubok ata ang nangyayari sa amin.
3 years na ang nakalipas mula nang makagraduate si Laxus at makapasa sa board exam nia as Engineer at sinwerte naman siya dahil nakahanap agad ng trabaho. Habang nasa huling taon na rin naman ako sa kolehiyo sa kursong Architecture dahil limang taon ang gugugulin ko.
*ting!*
Huh?
*smiles*
Si Laxus pala. Ang aga naman nia magmessage sakin. Di pa tapos klase ko. Tapos na ba trabaho nia?
[From Babe🥴🥰❤️: Babe? Nasa campus nio na ako ngayon. Kadarating ko lang mula sa shift ko. Hihintayin na lang kita rito sa may parking lot.]
[To Babe🥴🥰❤️: Ang aga mo naman ngayon?]
[From Babe🥴🥰❤️: Nag-undertime ako para makita ka ng lang maaga. Miss na kasi kita.]
Nako, nanlalambing na naman. May kasalanan na naman ata to sakin.
[To Babe🥴🥰❤️: Assus. Haha. Sige. Hintayin mo na lang ako diyan. Gusto na rin kita makita agad. I love you.]
*sent!*
Hihihi. Di pa rin talaga siya nagbabago. Ang cute pa rin nia. Gwapo. Tsaka mapagmahal. Kaya nagtagal kami ng 3 years. At hindi ko na siya ipagpapalit pa. Mahal na mahal ko siya eh. Siya ang pinakaperpektong boyfriend na nakilala ko.
*ting!*
Bilis ah.
[Babe🥴🥰❤️: K.]
Huh? Yun lang? Aba't! Tangina nito. Ang haba ng sinabi ko, 'K' lang sagot? Di man lang nag 'I love you too'. Psh. Babawiin ko na lahat ng sinabi ko kanina.
*tick~tock~tick~tock*
Ugh. Nakakabagot ng klase, puro na lang plates ang topic. Kakapuyat rin kaya ng last na ginawa namin na airport model miniature. ACTIVITY lang yun ha. Ngayon, mukhang digital na. Mabuti na lang at Engineering ang kinuha ni Laxus. May tumulong rin sakin na matapos.
"Class Dismiss."
Yeheyyy! Mabuti naman. Tapos na rin. Kanina pa kasi na gustong gusto kong lumabas. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Parang nangangati ang paa ko na sundan si Laxus ngayon.
"Goodbye Everyone."
"Goodbye Professor!"
Paglabas namin sa room ay agad na rin akong dumiretso sa parking lot kung saan naroon si Laxus pero bigla rin akong harangin ni Kelly na nagmula pa sa building nila ng Fine Arts.
"Bakit?" tanong ko.
"Bilisan mong pumunta sa may parking lot." saad nia na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit anong meron?"
Nakita kong nilabas nia ang phone nia at ini-scroll iyon bago itinutok sa mismong mukha ko ang--!
Ano to?
(●__●)
Ngayon ko lang narealize...
ARGH! HUMANDA KA LAXUS! PAPATAYIN KITA!
Dali dali akong napatakbo sa may parking lot at dun ko nga nakita si Laxus at.. at isang babae?!
Sino siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/224399538-288-k622082.jpg)
BINABASA MO ANG
FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND'S TWIN BROTHER - [COMPLETED]
General Fiction[ON PROCESS OF EDITING] I was obliged to follow an instruction, to pose as a girl in a pub, due to a terrible bet my friend Kelly and I had made. And on the same night, I had a one-night encounter with a stranger who had been "chasing" me because he...