Prologue

1.5K 18 0
                                    

PROLOGUE:

12/22/xx

Dear You,

To the special someone I love...

Posible pala talagang mahulog tayo sa isang tao kahit anong pilit nating pigilan. Makulit pala talaga ang puso kasi kahit anong sabi ng utak na 'wag', talagang titibok at titibok siya para sa tao na 'yon. Mahirap pigilan. Hindi kasi napipigilan ang pagmamahal.

I knew you ever since. Hindi ko akalaing mahuhulog pala ako sa'yo nang ganito. Nade-develop pa rin pala talaga kahit anong isip at pilit kong wag.

Oo, ayaw ko. Ayokong mahulog sa'yo. Natatakot ako na baka hindi mo ko saluhin. O kaya pag mahulog ka na rin, bigla naman akong magsawa sa'yo.

Hindi ko kayang saktan ka. Masyado ka kasing mabait sa'kin. Hindi mo deserve. Feeling ko, napaka-inosente mo pa para rito. Kung sakali, ako ang magiging una mo. Kilala ko ang sarili ko. Alam kong alam mo na hindi ikaw ang una ko. Hindi rin ang pangalawa o pangatlo. You know what I mean. Madalas, hindi ako nagiging seryoso. Madalas, mabilis akong magsawa. Ayokong maging isa ka sa mga babaeng ginaganon ko lang. Ayokong matulad ka sa kanila.

Ayokong maging pang-apat kita tapos ako ang una mo. Ayokong masasaktan lang kita in the end kasi wala talaga akong tiwala sa sarili ko. Again, you don't deserve it. You're just too good to suffer from it.

Ngayon, oo. Totoo. Nararamdaman kong may kakaiba akong pagtingin sa'yo. Kakaiba ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko ang ngiti mo, sa tuwing naririnig ko ang tawa at boses mo, at sa tuwing nadidikit ang balat mo sa akin. Gustung gusto ko kapag nagkakatinginan tayo. Mangingiti nalang ako kapag ikaw ang unang iiwas ng tingin. Siguro nga, may gusto na ako sa'yo.

Pero gaya ulit ng sinabi ko kanina, ayoko. Wala akong kasiguraduhan kung hanggang kailan ako ganito. Ngayon, gusto kita, pero hindi ko alam, baka pag naging tayo na, baka mawala ito bigla. Ayokong mapagsawaan lang kita. Ayokong saktan ka.

Sorry, ha? Ang selfish ko ba? Ang duwag ko ba? Ang tanga ko ba? Hindi ko talaga kaya. Natatakot akong saktan ka kasi masasaktan din ako. Natatakot akong mapaiyak ka kasi alam kong hindi mo na rin ako papayagang pawiin ang magiging luha mo. Ayokong masayang yung pagkakaibigan natin na iningatan ko kahit ganito lang tayo.

Mabuti na yung ganito. Mas safe para sa atin.

In the future, malalaman naman nating tayo talaga o hindi. Kung tayo man, ang swerte ko pa rin kahit nagpakaduwag ako ngayon. Kung hindi, tama pala ang desisyon ko ngayon. Atleast that time, sigurado akong magkaibigan pa rin tayo.

I love you, but I just can't.

From someone who loves you... Kean

Dear You [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon