Letter 30 (Samantha-Ian)

101 1 0
                                    

CHAPTER 30
Samantha-Ian

09/25/xy

Dear Ian,

Ian, I am sorry.

Hindi talaga ako yung naglagay nung sulat kong yon sa desk mo. Never ko ring naisip na ibigay sa'yo yun. Pero sorry pa rin. Sulat ko pa rin yon. Ako pa rin yung nagsulat nun kaya feeling ko may kasalanan talaga ako. Sorry kung dahil dun, nasira ang relasyon niyo ni Bernice. Sorry kung nawala lahat ng pinaghirapan mo. Sorry talaga, Ian.

Baka pag-isipan mo ako ng masama ah? Wala talaga akong masamang intensyon.

Swear. Kahit gaano kasakit, tinitiis ko para masaya ka lang. Kahit na nakakatampo na kasi nakalimutan mo na yung friendship natin dahil naging taken ka lang, okay lang. Keri lang kasi alam kong masaya ka naman na.

Ay syet, ang drama kong kaibigan! Haha!

Pero seryoso, nalulungkot talaga ako para sa inyo. Sayang kasi talaga eh. Nanghihinayang ako para sa inyo... sa ngiti at tawa mo pag kasama siya... sa lahat lahat na.

Ah, basta. Sorry nalang. Ha?

If you need someone, nandito lang ako. Friends pa rin naman tayo, di ba?

Sorry talaga.

Love,
Samantha

**sent

Dear You [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon