CHAPTER 38:
Nikko-Ian09/30/xy
Dear Ian,
Bro... espren...
Sorry. Sorry for what I did. Hindi ko sinasadyang tapunan ng tingin ang girlfriend mo and fall in love in an instant. At mas hindi ko ginustong magkagusto rin siya sa'kin pabalik.
She chose me over you. Nakakagago talaga yon sa parte mo... pero ganito talaga eh. I am sorry, Bro.
Alam ko kung gano kahalaga sa'yo si Bernice. She told me everything.
Pero... I would like to ask this one thing. Totoo ba iyon o dahil lang sa... sa alam mo na yon.
Don't get me wrong. Kilala kita, Bro. Before I left sometime ago, alam ko ang pinagdadaanan mo. Alam ko ang saloobin mo. Naiintindihan mo ba? Naaalala mo pa ba?
What I mean is... si Bernice... Talaga bang naka-move on ka na at nagmahal o... o ginamit mo lang siya para makalimot at pagtakpan ang nararamdaman mo?
Wala na ngayon si Bernice sa'yo. Baka unti-unti nang gumagawa ng paraan ang langit para sa matagal mo nang gusto pero pinipigilan mo lang. Baka pahiwatig na 'to, Bro.
Mag-isip ka, Ian. Wisely. Use both your mind and heart.
Kilala kita kaya nasasabi ko ang mga 'to. Alam mo 'yan.
Pasensya na ulit. I just want everything to be right in their proper places.
Love,
Nikko**sent
BINABASA MO ANG
Dear You [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Different persons... different point of views... different experiences... different stories... but all are special letters for their special someone that will narrate their story.