Letter 37 (Donna-Basty)

95 0 0
                                    

CHAPTER 37:
Donna-Basty

09/30/xy

Dear Basty,

Hoy! Alam mo bang gusto kong mainis sa'yo and at the same time ay tawanan ka?

Ang engot mo kasi talagang tinuloy mo pala. Ughh! Nakakainis ka!

O, ano ka ngayon? Wala! Nganga! Basted!

Ehhh hindi ka naman nga kasi mahal ng best friend ko! Si Ian ang gusto nun.

Ughh! Naiiyak ako. Naiiyak ako sa sinapit mo at sinapit ko. Alam kong malungkot ka.. at dahil nalulungkot ka, malamang nalulungkot na rin ako. Sana kasi hindi mo nalang ginawa 'yon. Sana hindi ka nasaktan.

Aish! Oo na kasalanan ko rin. Hindi ko naman sinabi sa'yo agad. Pinaasa pa yata kita na may chance kayo ni Sam. Sorry. Gusto ko lang namang sumaya ka... Hindi ko akalaing aabot sa ganito. Aishh! Nagsisisi talaga ako, Basty. Wala akong kasalanan pero guilty ako.

Tangina, Basty.

Sana kasi ako nalang.

Sana hindi ka nalang nag-aksaya ng oras at panahon sa kaibigan kong 'yon. Hay. Sana dun nalang sa nabibigyan ka ng parehong atensyon at pagmamahal. Sana sa'kin nalang, di ba?

Naiinis talaga ako.

Ang manhid mo naman kasi eh! Hindi mo ba talaga maramdaman? Hindi mo ba naisip yon nung mga panahong hindi ko na nirereply-an ang mga sulat mo? Hindi ka ba makaramdam nung mga oras na iniiwasan kita? Ugh! Tanga ka ba o manhid talaga?

Mahal kita, Basty. Mahal na mahal.

Sana ako nalang...

Love,
Donna

**sent

Dear You [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon