Letter 3 (Basty-Samantha)

353 6 0
                                    

CHAPTER 3:
Basty-Samantha

08/19/xy

Dear Samantha,

Nakita kita kanina. Kumikinang yung mga mata mo. Ang masaklap, dahil iyon sa kanya. Patago kang nakatingin kay Ian. Hindi niya napapansin, pero ako, kitang kita ko, Samantha. Gusto mo siya, di ba? O baka mahal pa nga. Hindi mo man sabihin, alam ko yon. Kitang kita ko pag nakatingin ka sa kanya.

Bakit sa kanya ka pa nahulog? Bakit dun pa sa taong hindi naman pansin ang nararamdaman mo? Hindi ba pwedeng sa'kin nalang? Ako kasi, kayang kaya kong suklian yung pag-ibig mo eh. I can guarantee you that. Bakit sa kanya, Sam? Bakit kay Ian pa kung nandito naman ako?

Lahat naman ginagawa ko para sa'yo. Lahat binibigay ko. Lahat ng mga payo ni Donna na ikatutuwa mo raw, ginawa ko. Pero bakit ganito pa rin? Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba nararamdaman? Kung sabagay, sa kanya ka lang lagi nakatingin. Hindi sa'kin. Never sa'kin.

Mahal kita. Mahal mo siya. Hindi ba pwedeng ako nalang din ang mahal mo?

May nalaman pala ako kanina, Sam. Nakauwi ka na yata kaya hindi mo siguro alam. Pero ayos na yung hindi mo naabutan. Sigurado akong iiyak at masasaktan ka lang kasi. Ayoko pa namang nasasaktan ka. Baka masapak ko 'yong Ian na 'yon. Baka masira ko yung moment nila kanina.

Ano ba yung nangyari?

Pauwi na ako kanina. Nauna ka nang umuwi nun. Naglinis pa kasi ako ng classroom kaya nagmadali ako para maabutan kita sa sakayan. Alam kong ayaw mong sinasabayan kita pag-uwi pero yun ang gusto ko. Wala kang magagawa dun.

Palabas na ako ng campus nang makita ko yung kumpulan ng mga estudyante sa may gym. Sa dami at ingay nila, hindi ko napigilang maki-usyoso. Nabalewala ko tuloy yung pagsabay ko sa'yo pauwi. Ayun na nga, laking gulat ko naman kasi kahit ang layo pa ng Valentines, napuno ng kulay pula ang buong gymnasium. Wala namang school occasion nun kaya nagtaka ako. Nalaman kong si Ian pala ang may gawa nun. Natakot pa ako na baka para sa'yo yon. Ang selfish ko ba? Sorry ha. Mahal kita eh. Pero ayun na nga. Nalaman kong hindi pala para sa'yo yun. Kay Bernice pala.

Hindi ako natuwa, promise. Nainis ako sa kanya. Gusto ko siyang sugurin non pero hindi ko na ginawa. Nasaktan ako para sa'yo. Alam ko kasing umaasa ka sa kanya. Alam kong masasaktan ka.

Sila na pala, Sam.

Alam mo na kaya ang tungkol dun? Hindi ako sigurado. Pwedeng hindi pa, pero siguradong malalaman mo rin. Ayokong ako ang magsabi sa'yo. Ayokong masaktan ka dahil sa'kin.

Iiyak ka kaya pag malaman mo? Malamang oo. Sana sa oras na 'yon, hanapin mo ko. Sana balikat ko yung iyakan mo. Sana ako ang kumomfort sa'yo.

Sana pansinin mo naman ako. Sana kahit wala na si Ian, malaman mong nandito naman ako para sa'yo.

Hindi gaya niya, hindi kita iiwan. Mahal kasi kita, Sam. Mahal na mahal.

Love,
Sebastian "Basty"

**kept

Dear You [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon