CHAPTER 2:
Samantha-Ian08/16/xy
Dear Ian,
Bakit ang galing mong magpakilig? Buong araw tuloy akong sabog dahil sa'yo. Hanube!
Alam ko namang biruan lang yon lahat kaninang umaga, pero kakaiba talaga ang impact sa akin. Bakit kailangan mo pa kasing patulan yung biruan at pang-aasar ng mga kaklase natin. Para inuto ka lang nila na akbayan ako kanina, ginawa mo naman. Pinagpawisan tuloy ako. Ang sabi pa nila, ang pula-pula ko pa raw. Paanong hindi, e kinikilig ako!
Ang sarap palang maakbayan ng mahal mo? Ang sarap pala sa pakiramdam na parang yakap ka niya. Sa higpit kasi ng akbay mo, pakiramdam ko ayaw mo akong mawala. Hala, ang O.A. ko ba? Sorry na.
Yung totoo, gusto ko pang maulit 'yon. Medyo bitin yung isang minuto eh.
Kaninang P.E. time, hindi rin ako maka-get over. Tama ba naman kasing ako ang gawin mong unan at pahingahan pagkatapos nating maglaro? Feel na feel mo talaga kasi halos makatulog ka na kanina. Hiyang hiya naman yung mga kaklase natin kanina. Pero seryoso, syempre, kinikilig ako. Sana mas madalas mo pang gawin 'yon. Hindi ako mahihiya sa kanila. Never. Aarte pa ba ako, e ako na itong pinapakilig mo?
Tapos kanina, tinext mo pa ako pagkauwi mo. In fairness, level up ka na kasi hindi na homeworks ang tinatanong mo. Nagtetext ka na para bwisitin ako. Lakas mo mang-asar ah. Palibhasa hindi pa level-up ang phone ko. Lakas mo makatadtad ng emoji sa'kin, palibhasa puro kahon lang yon pag lumalabas sa phone ko. Ano kayang emoji yung sinisend mo? Siguro yung mga pang-asar. Pero sana hearts yon. Aish! Ang kapal ko, ano? Haha! Pero ayiee, baka nami-miss mo ako, ano? Muntik ko nang itanong yon sa'yo, buti napigilan ko sarili ko.
Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nasa cloud nine. Heaven! Paano pa kaya kung mas mag-level up tayo sa ganun?
May chance kaya? Sana meron.
Bukas ulit ah! At sa susunod na araw... at susunod na araw... at sa mga susunod na panahon. Sana hindi ka magbago, Ian.
Love,
Samantha**kept
BINABASA MO ANG
Dear You [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Different persons... different point of views... different experiences... different stories... but all are special letters for their special someone that will narrate their story.