Letter 42 (Samantha-Ian)

88 0 0
                                    

CHAPTER 42:
Samantha-Ian

10/03/xy

Dear Ian,

Yung totoo, galit ka ba sa'kin?

Kung oo, tungkol pa rin ba sa nangyari? Akala ko ba okay na? Akala ko ba okay na? Akala ko ba hindi ka galit? Akala ko ba naintindihan mo na yung explanation ko? Nakakalungkot, Ian. Nakakasakit.

Kung hindi naman, e bakit ganyan ka? May iba ba akong nagawa? May kasalanan na naman ba ako sa'yo?

Ian naman, oh. Bakit mo ba ako ginaganito? Ano bang nangyari? Ano bang problema?

Dati naman, close tayo. Dati, kahit gano kalaking problema, never kang nainis o nagalit sa'kin. Bakit ngayon, ganito tayo bigla?

Nasaktan ka sa break up niyo ni Bernice. I understand. Pero bakit kailangang pati ako damay? Nahihirapan ako, Ian. Nasasaktan na ko.
Lalo kanina. Hindi ko malaman kung swerte ba ako o malas nang maka-pair kita sa project natin sa MAPEH subject. Ayaw mo na naman mamansin. Ilag ka na naman sa'kin. Pinagmukha mo pa akong tanga sa pagsagot sa mga tanong ni Sir sa gagawin natin.

Haay.

Matagal na kitang gusto... Kahit hindi mo kayang suklian yung parehong pagmamahal, tanggap ko naman. Okay na ko dun sa friendship na meron tayong dalawa. Masaya na ko sa paglapit, pagkausap, at pakikipagtawanan mo sa'kin kahit na walang kung anong malisya sa'yo.

Pero ngayon, ano? Mawawala nalang bang lahat, Ian?

Friendship nalang eh... ipagkakait mo pa ba? I don't ask for more, Ian. Just our friendship.

Weekends bukas. Hindi na naman tayo magkikita. Lilipas na naman ang dalawang araw na hindi ako makakakain at makakatulog nang maayos dahil sa nangyayari sa'tin. I may be acting too much, pero ito talaga ang nararamdaman ko honestly. Guilt and doubt are killing me, Ian.

Sana naman makaramdam ka...

Sa Monday na yung presentation natin ng project. Ayokong bumagsak sa klase. Ayokong mapahiya sa buong klase. Hindi ko alam kung pano hihingiin ang cooperation mo. Sana... sana bago dumating ang oras na 'yon, maging okay na tayo.

P.S., naunahan na tayo ng best friend ko. Buti pa siya, may Basty na. Okay na silang dalawa.

Tayo kaya? Kelan kaya? Sana may pag-asa pa. Kahit friendship lang ulit.

Love,
Samantha

**kept

Dear You [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon