CHAPTER 8:
Basty-Samantha09/02/xy
Dear Samantha,
Alam mo bang nasaktan mo ko kanina? Concerned lang naman ako kaya kita nilapitan kanina. Ang tamlay mo kasi masyado. Nag-alala lang ako kaya tinanong kita kung ayos ka lang. Siguro nakulitan ka lang sa'kin kanina at saka wala ka lang sa mood.
Dahil na naman kay Ian, ano? Siguro nakita mo yung mga pictures nila ni Bernice nung nakaraan. Nakita ko rin kasi eh. Alam kong pag makita mo yon, masasaktan ka. Kung kaya ko lang talagang i-hack ang account ni Ian eh, iha-hide ko sa'yo yung mga pics na 'yon. O kaya kung pwede ko lang talaga i-report o i-block yung mga 'yon. Hay.
Di bale, magiging okay ka rin. At sana... Sana tayo rin.
Sorry ulit ha? Hindi ko sadya yung kanina. Napasimangot pa lalo tuloy kita. Sorry talaga, Sam.
Sana bukas hindi ka na inis sa'kin. Sana sa mga susunod na araw, bayaan mo na akong i-comfort ka. Sana bigyan mo ako ng chance na ipadama sa'yo yung mga bagay na alam kong gusto mong maramdaman--yung mga bagay na inaasahan mo sana kay Ian pero alam kong hindi niya kayang ibigay sa'yo. Sana balang araw, makita mong mahal kita. Gagawin ko lahat para sa'yo.
Bukas pala, may ibibigay ako sa'yo. Peace offering yata tawag dun kasi may kasalanan ako sa'yo... pakiramdam ko. Tanggapin mo ah? Pinaghirapan namin ni Donna 'yun. Sabi kasi ni Donna, favorite mo raw ang brownies kaya kahit gaano ako ka-allergic sa kusina at mga kitchen utensils, nagpaturo pa rin ako. Sana magustuhan mo ha? Masarap naman daw yun sabi ni Donna eh. Haha! Igagawa kita lagi nun kung gusto mo. Ikaw pa ba? Malakas ka sa'kin eh! Haha.
Love,
Basty**kept
BINABASA MO ANG
Dear You [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Different persons... different point of views... different experiences... different stories... but all are special letters for their special someone that will narrate their story.