Letter 1 (Samantha-Ian)

996 11 0
                                    

CHAPTER 1:
Samatha-Ian

08/14/xy

Dear Ian,

Hindi ako makapaniwalang naka-partner kita kanina sa by-pair impromptu performance natin sa A.P. Kahit wala pang limang minuto 'yon, feel na feel ko ang pagiging asawa mo sa acting natin. Ang awkward--sobra! Dama mo rin ba yung awkwardness? Malamang oo. Ang lakas naman kasi mang-asar ng mga kaklase natin. Baka nahalata mo na na may gusto ako sa'yo. Hala, sana naman hindi.

Yikes, napaamin tuloy ako. Buti nalang hindi mo mababasa 'to. Oo, Ian, gustung gusto kita. Crush na crush kita. Actually, last year pa. Ang cute mo naman kasi. Ang talino mo pa. Ang gentleman pa. Meron ka pang sense of humor. Talented ka pa. O, paano ako hindi mahuhulog sa'yo? Lahat na ng hanap ko, nasa'yo na.

Ako na yata ang pinakaswerteng nilalang nung naitabi ako sa'yo. Naging centimetres ba naman ang pagitan natin. Tuwang tuwa ako pag pinapansin mo ako. Pansin mo ba na kahit anong corny ng jokes mo, tumatawa ako? Hindi kasi jokes mo tinatawanan ko, kundi ikaw. Mas nakakatawa kasi yung tawa mo kesa sa joke mo. E kapag natutulala ako sa'yo, nahuhuli mo kaya ako? Hobby ko kasi yun eh, lalo kapag busy kang makinig sa discussion ng teacher natin. Wala ring mapagsidlan ang saya ko kapag tinuturuan mo ako ng lessons na hindi ko ma-gets. Kahit gaano ako ka-slow, napaka-patient mo para turuan ako. Sana alam mo kung gaano ako kasaya kapag kasama kita.

One year na kitang gusto. Nagsimula 'yon nung nakatabi rin kita noon. Hindi talaga kita gusto noon. Hindi ko pa nanu-notice noon ang itsura at ugali mo. Pero nang makatabi kita, I got to know you better. Slowly, I fell... deeper as time goes by.

Ang laki na ng progress ng nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko alam kung 'crush' pa rin ang tamang term na gamitin ko para sa'yo. Sa tingin ko kasi, higit na doon ang nararamdaman ko. Kahit yata ang salitang 'gusto', understatement na rin para rito. Mahal na kasi yata kita.

Hindi ko alam kung gusto kong malaman mo o itago ko nalang 'to. Hindi ko alam kung ano ang mas pabor sa'tin o kung ano ang mas tama. Maliit lang kasi ang chance na gusto mo rin ako. Baka mamaya pag nalaman mo, iwasan mo nalang ako bigla. Iri-risk ko ba yung friendship? Syempre, pipiliin kong hindi. Yun na nga lang ang matitira, papabayaan ko pa bang mawala? Ayoko. Syempre, hindi.

Pero tandaan mo, nandito lang lagi ako. Umaasa akong one day, hindi malabong titibok din yang puso mo para sa'kin. Libre lang mangarap di ba? Anong malay natin, tayo pala ang meant para sa isa't isa?

Nandito lang ako ngayon sa tabi mo. You can always count on me. Basta ba ipagpatuloy mo lang ang pagpapasaya, pagsama, pagpapakilig, at pagiging mabuti sa akin. Wag lang masyado, baka hindi lang pag-asa ang gawin ko. Ayokong mag-expext, Ian. Ha?

Mahal kita, Ian. Sana balang araw, alam mo na.

Love,
Samantha

**kept

Dear You [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon