CHAPTER 16:
Samantha-Ian09/14/xy
Dear Ian,
Pinipilit kong maging masaya kahit na sobrang nasasaktan pa rin ako at naiinggit sa sinapit niyo ni Bernice. Sa bawat araw, nagpa-practice pa rin akong ngumiti--yung ngiti na magmumukha talagang totoo. Dinivert ko ang atensyon ko sa ibang maraming bagay. Mas ginalingan ko nalang ang academics. Natuto rin akong sumali sa mga extra-curricular activities sa school. Tapos nagkaroon din ako ng ilang bagong kaibigan kagaya ni Basty. These somehow helped me a bit. Kahit papano, medyo nakalimutan kita at yung sakit.
Pero at the end of the day, mari-realize ko nalang na ganun pa rin pala. Nasasaktan at nahihirapan pa rin ako. Naiinggit pa rin ako kay Bernice. Sa inyong dalawa.
Bakit ba kasi mahal kita? Bakit kasi ikaw pa? Sana hindi nalang tumibok ang puso ko sa'yo. Sana nakuntento nalang ako na hanggang kaibigan lang kita. Edi sana... sana hindi ganito ka-kumplikado sa'kin ngayon.
Pero kasalanan ko bang mahulog sayo? Hindi ko naman sinasadya. Ang masaklap pa, napalalim yata. Heto tuloy ako ngayon, hindi makaahon. Na-stuck na, at walang ibang magawa kundi magtiis kahit masakit.
Ano ba ang magagawa ko? Wala naman akong choice, eh.
Aish! Bakit ba ang drama-drama kong tao? Hindi naman tayo, at never naman nagkaroon ng tayo. Bakit ba ako nagpapaka-possessive na para bang akin ka? Bakit ba ako umaarte nang ganito?
Baka siguro kasi nami-miss na kita.
Simula kasi nang maging kayo, madalang mo na akong kausapin. Madalang mo na akong pansinin. Ang huli pa yata e nung nilibre mo ko ng ice cream. Pagkatapos nun, wala na. Ni ha ni ho, wala. Hindi ko malaman kung dahil ba masyado ka lang nagpapaka-loyal sa girlfriendmo, o baka alam mo na na gusto kita tapos dumidistansya ka lang kasi ayaw mo kong masaktan.
Ugh. Ang gara talaga. Ang unfair. Hindi ko maintindihan.
Kung pwede lang talaga turuan ang puso magmahal. Kung pwede lang pahintuin ang puso magmahal. Kaso hindi eh. Magaling lang mang-asar at manakit ang puso.
Nakauwi na pala si Nikko. Sana kagaya dati, makalabas tayong tatlo. Nami-miss ko na rin yung samahan natin non. Tanda mo pa? Haha. Yun yung mga panahong nade-develop palang ako sa'yo. Nene pa ako nun tapos kayo totoy na totoy pa. Wala pa ring Bernice nun at mga seryosong bagay. Sana pala na-stuck nalang tayo sa panahong ganun.
Hay. Pero dati na yon. Baka nga di niyo na naaalala yon. Okay lang. Normal lang ang mga pagbabago. Naiintindihan ko. Ako lang naman yata ang di marunong makalimot at mag-move on. So sad for me. Haha.
Sige. Sana maging okay na kayo ni Bernice. Hibdi niyo man sabihin, ramdam kong hindi kayo okay. Wag ka mag-alala. Hindi pa ko ganun-kasama para matuwa sa sinasapit niyo. Basta masaya ka... masaya na rin ako... kahit hindi naman talaga. Hahaha!
Love,
Samantha**kept
BINABASA MO ANG
Dear You [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Different persons... different point of views... different experiences... different stories... but all are special letters for their special someone that will narrate their story.