Letter 35 (Samantha-Basty)

115 2 0
                                    

CHAPTER 35:
Samantha-Basty

09/29/xy

Dear Basty,

Sorry kung sa sulat ako sasagot sa proposal mo. Sorry kung hindi ko kayang sa personal ha?

Basty... super saya ko na naging friend kita. Next to Donna, ikaw yung pinakamasayahin, maloko, at malambing. Thankful ako sa lahat ng efforts mo lalo na sa panlilibre at sa brownies.

Akala ko naman normal yun. Jusko, nanliligaw ka na pala? Huhuhu. Hindi ko alam kung mata-touch ako o mapa-paranoid. Ang weird kasi. First time ko 'to... tapos... ah basta.

Mahirap kasi eh. Alam mo naman di ba? Hindi na ko magpapaligoy ligoy. Alam mo namang si Ian ang gusto ko... at ayokong paasahin ka lang. Kung ooo ako sayo, alam mong maglolokohan lang tayong dalawa. Maybe you want a chance or a try, pero ayoko eh. Ayoko sayangin lang yung efforts at oras mo kasi alam kong hindi talaga magwu-work.

Wag kang malulungkot ha?

Ehhh! Bakit ba kasi ako pa? Nakakaloka ka naman! Hindi naman ako kagandahan ah! Ang sama sama ko pa sayo! E bakit ako? Patingin ka sa doktor sa mata ah? Haha.

Huhuhu. Seriously, Basty... Wag nalang ako. Marami pang iba dyan oh! Yung mga kasingganda ni Donna! Yung babagay sayo.

Sorry talaga ha? Sorry.

Sana hindi tayo maging awkward pagkatapos nito. Sana friends pa rin tayo. Ayoko manghinayang sa friendship dahil lang sa ganitong bagay.

Pretty please?

Smile ka na! :) Love pa rin naman kita eh!

Love,
Samantha

**sent

Dear You [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon