CHAPTER 20:
Donna-Basty09/16/xy
Dear Basty,
TANGINA, BASTY! BAKIT BA ANG TANGA TANGA AT ANG MANHID MANHID MO?!
Hindi mo ba ramdam na nasasaktan na ako? Sobrang nadudurog na ang puso ko sa mga ginagawa mo! Sobrang masakit na...
Oo, nakangiti ako kapag magkausap tayo. Oo, lagi kitang pinagbibigyan kapag may kailangan ka sa'kin. Oo, nakatawa ako lagi. Oo, mukha naman akong okay at walang dinaramdam... pero pakshet, Basty! Masakit na!
Mahal na mahal mo yung best friend ko... pero mahal kita eh.
Dapat yata hindi na ako nagpakamartir na tulungan ka. Gusto ko lang naman na mapalapit sa'yo at maramdaman mo yung halaga at presensya ko. Hindi ko naman akalaing ganito pala. Mas nilagay ko lang ang sarili ko sa alanganin... sa punyetang sakit na yan.
Tangina, gusto kong sabihin sa'yo na hindi ka gusto ng best friend ko. Si Ian. Siya talaga ang mahal ni Sam. Pero hindi ko magawa eh. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko kayang masaktan ka. Siguro masakit din para sa'kin? Kasi mas malalaman at mas maisasampal sa mukha ko kung gano mo siya kamahal. Mas pinili kong maging masaya ka sa kahibangan mo kasi ayokong ako mismo ang makakasakit sayo. Tanga na kung tanga pero hindi ko talaga kaya. Kaya nga mas pinili kong magdusa eh.
Ang swerte mo kasi nandito ako lagi pag nalulungkot ka at brokenhearted kay Sam. Pero ako? Wala akong masabihan. Wala akong masandalan. Kanino ba dapat? Kay Sam? Hindi pwede. Bukod sa ayokong dagdagan na yung iniiyak niyang lovelife nila ni Ian, baka sabihin pa niya sa'yo. Ayoko ngang malaman mo.
Ngayon, anong sabi mo? Gusto mong magpatulong sa'kin na ano? Na sabihin na kay Sam lahat ng nararamdaman mo? Tangina mo, Basty!
Shit. Naiiyak na tuloy ako.
Pano naman ako, Basty? Tutulungan kita, tapos pagkatapos ano nalang ako? Paano kung bigyan ka ng chance ni Sam? Edi ako na ang forever alone? Nyeta, ang unfair nun! Hindi pa naman ako kagaya ni Sam na madadala mo sa brownies. Ayokong magdusa forever.
Pero ano naman ang isasagot ko sa pabor mo? Ayoko? Anong idadahilan ko? Mahal kita? Tangina. Hindi ko pa kaya. Ano nalang sasabihin mo? Pano nalang ang friendship natin? Yun na nga lang maibibigay mo, mawawala pa?
Hindi ko kaya, Basty. Hindi ko talaga kaya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan din ako gaya mo.
Basty, mahal kita. Sana naman mapansin mo.
Sana hindi muna magtagpo landas natin. Kunwari, hindi ko nalang nabasa yung sulat mo at wala akong ideya na humihingi ka ng pabor. Sorry talaga, Basty, pero may limit din ang pagiging martir at pagtitiis ko.
Love,
Donna**kept
BINABASA MO ANG
Dear You [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Different persons... different point of views... different experiences... different stories... but all are special letters for their special someone that will narrate their story.