Letter 9 (Donna-Samantha)

147 3 0
                                    

CHAPTER 9:
Donna-Samantha

09/02/xy

Dear Sam,

Bestyy! Uy, ayos ka na kaya? Hindi ko na ma-take na araw-araw ka nalang sad dahil sa Ian na 'yon. Hay nako, besty! Kakaiba ka talaga ma-in love! Katakuut! Haha.

Marami pa namang iba dyan eh...

Hay. Kung sabagay, hindi kita masisisi. Alam ko naman yang nararamdaman mo eh. Kahit na taken siya o kaya may iba siyang gusto, basta mahal mo siya, wala kang magagawa... wala kundi ang masaktan at magtiis. Wala ka namang choice eh. Wala kang karapatan kasi hindi naman siya sa'yo. Haay. Wag kang mag-alala, besty, ramdam na ramdam kita.

Pero cheer up ka na, please? Nawawalan na ko ng kasama sa kabaliwan eh. Hindi ko ma-take na solo ko ang spotlight pagdating sa kalokohan. Wala na akong masasama sa office niyan! Charot!

Seriously, besty, si Ian? Maliit na bagay! Haha. May iba pa dyan. O kaya kung siya talaga ang gusto mo, tara akong bahala. Hahaha! Alam na!

Pag okay ka na, i-pm mo lang ako para ituloy na natin yung balak nating footspa. Sayang yung discount coupon sa akin, mag-e-expire na. Hihihi.

Just remember, I am always here for you. I'll be your super best friend at all times! Mwaaah!

Love,
Donna

**sent

Dear You [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon